Lumingon ako sa kanya ng mapansin kong nakatingin siya sa akin pero mabilis siyang umiwas ng lingunin ko siya. Sisipol-sipol pa siya na animo'y hindi nakatingin sa akin kanina.

Tsk. Huling huli ko naman.

Umangat ang gilid ng labi ko at saka mabilis na sinuot yun. Humalukipkip ako sa harapan niya pagkatapos.

Mayron din palang tinatagong ka-sweetan tong damuhong to. Pasimple pa talaga. Tsk. Tsk. Khanzler, khanzler, khanzler. Kahit pala sa simpleng bagay, nagagawa mo pa din akong pasayahin.

"At bakit may laceusta's property ang nakasulat sa likod?"-kunwaring hindi ko alam at bahagya ko pang pinaningkit ang mata ko.

"Alin?"-pa inosente pa siyang bumaling sa akin at halata ko ang paglikot ng kanyang mata.

Hahaha! Pakunyari pa talaga ang loko! Ang sarap niyang asarin!

Ngumisi ako at saka pinagsalikop ang aking kamay sa aking likod. Nang aasar akong lumapit sa kanya.

"Lacuesta's property talaga ha? Bakit? Saan ba tayo pupunta at kailangan mo pang ipasuot sa akin to?"-pang aasar ko at lalo akong ngumisi.

Bumuntong hininga siya at saka bagot na tumingin sakin.

"Maraming tao dun kaya binabakuran ko lang kung anong akin."-deretso at seryoso niyang sagot dahilan para matigilan ako.

Di ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi kasabay ng paglundag ng puso ko.

Shet ka talaga khanz. Akala ko ba hindi ka sweet? Ano tong pinagsasasabi mo ngayon sa akin? Paano ako hindi mahuhulog ng tuluyan kung ganito ka? Ha? Sabihin mo nga saken! Ang sarap mong pangigilan eh!

"Tsk. Let's go."-may tinig pag uutos sa kanyang boses at ng pumunta siyang driver seat ay nahuli ko pa siyang ngumisi.

"Faster!"-saka lang ako natauhan sa biglaang sigaw niya.

Di makapaghintay bads? Excited ka ba? Ha? Ha?

Mabilis na akong pumasok sa passenger seat at nagseat belt. Ganun din siya at saka pinaharurot ang kanyang kotse.

"Saan ba talaga tayo pupunta? Bakit hindi mo sabihin sa akin?"-kapagkuwa'y tanong ko at humarap sa kanya na nanatili lang ang tingin niya sa daan.

"Masyado kang excited. Di ka ba makapaghintay at tanong ka ng tanong?"-kunot noo niyang tanong.

Ngumiwi ako. Napaka bipolar talaga ng bading na to. Ngayon naman eh nagsusungit siya. Tsk.

"Bakit kase hindi mo sabihin at ng hindi ako tanong ng tanong. Pa suspense ka pa kase eh malalaman ko din naman."

"Yun naman pala eh. Kaya huwag ka ng magtanong, malalaman mo din naman."

Napaawang ang bibig ko. Wow! Grabe tol! Tignan niyo? Tignan niyo ugali niya? Akala ko ba sweet to? Binabawi ko na talaga. Ampalaya siya! AMPALAYA! Sungit ng damuhong to!

Inirapan ko siya at saka tumingin na lang sa harapan. Humalukipkip ako habang nakakunot ang noo.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at saka pansin ko ang pagsulyap niya sakin.

"Fine! Manonood tayo ng banda."-napipilitan niyang sagot. Lalong kumunot noo ko.

"Nagsabi ka nga, galit ka naman. Yung totoo, napilitan ka lang eh."-sumbat ko.

"I'm sorry okay? Suprise nga dapat eh. Sinira mo naman. Tss."-bulong niya pero dinig ko naman.

Natahimik naman ako dun. Tsk. Okay, sige inaamin ko. Ako talaga ang may mali. Masyado kase akong na excite kaya di ko na napigilang magtanong. Psh. To kaseng bibig ko, minsan hindi matigil eh. Hayst.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now