"Anong ginagawa mo dito?!"-gulat na bulalas ni ayna na may nanlalaki pang mata.

Pormadong pormado pa ang gago. Parang hindi pa nakakapunta ng party.

"Oh bakit? Kayo lang ba ang pwedeng pumunta dito?"-natawa siya na parang walang bukas.

Nagkatinginan kaming dalawa ni ayna. Hindi makapaniwala.

"Lasing ka ba?"-sabay naming tanong.

Natigilan siya sa pagtawa at sumimangot.

"Sinong lasing? Ako ba? Hahaha! Di noh!"-para siyang bata na hindi mapakali sa kinatatayuan. Hindi ko alam kung anong nangyayare sa kanya. Kung sumasayaw ba siya habang sinusundan ang malakas na tugtog o naiihi siya?

"Nasaan si lester? Hindi ba siya sumama sayo?"-taka pading tanong ni ayna habang pinagmamasdan siyang sumayaw-sayaw sa harapan namin.

Lasing na talaga ang lokong to. Bahala siyang umuwi mag isa niya.

"Ah...hahaha! Ayun siya oh, may kausap na chicks, hihihi."-bahagya niyang tinuro sa hindi kalayuan.

Sabay kaming bumaling ni ayna sa salas ng bahay kung saan nandun nga si lester pero may umaaligid sa kanyang babae.

O_O

Nanlaki ang mata ko sa gulat ng makita kung sino ang babaeng yun.

Si norine!

A-anong---?! Naguguluhan ako ah! Hindi kaya si lester ang tinutukoy ni norine noong nagtanong siya sa akin?

Halata namang ayaw ni lester sa kanya dahil nakasimangot na ito pero mukhang desidido si norine dahil kinakausap parin niya ito.

"Tignan mo ang gago. Nagbibinata na! Hahaha!"-humagalpak pa ng tawa si gelo na para bang may nakakatawang nakita.

"Lasing ka na talaga gelo! Umuwi na kayo ni lester baka kung ano pang gawin mong kalokohan. Binabantaan kita, bata ka pa. Baka kung may mabuntis ka diyan naku! Magagalit sayo si tito ged!"-patungkol ni ayna sa tatay ni gelo.

Lalong napasimangot si gelo at langong dinuro niya ito. Taka namang napaatras si ayna.

"Hoy! Bakit naman ako magpapabuntis? Babae ba ako? Minsan talaga wala kang sense eh! Ikaw ang lasing ayna!"

Walang gana akong napailing. Tsk. Bakit ba hinahayaan ni lester na maglasing ang ulupong na 'to?

"Imba ka talaga malasing gelo. Umuwi na kayo ni lester. Isusumbong kita kay tito ged."-may tinig pagbabanta ang boses ni ayna.

Para namang biglang nawala ang kalasingan ni gelo at bahagya pang napatayo ng tuwid. Ang papikit pikit niyang mata ay halos kasing laki na ng owl sa sobrang pagkamulat.

Tsk. (-.-)

Takot sa erpat niya kase. Kaya ng banggitin ni ayna na isusumbong siya sa tatay niya, parang nabuhayan ng dugo ang ugok.

"Sinong may sabing lasing ako? Anong oras na ba? Naalala ko palang magluluto pa ako, sige na. Uuwi na kami ni lester."-mabilis niya kaming nilayasan at saka patakbong nagtungo sa gawi ni lester.

Hinila-hila pa niya ito at saka sila lumabas ng bahay. Si norine naman ay nakanguso na habang pinagmamasdan si lester na umalis. May tama ata siya sa ugok na yun. Tsk. Tsk.

Sabay kaming napabuga ng hangin ni ayna at saka nagtuloy na sa paglalakad para hanapin sina zad. Buti na lang nakita na namin sila ng mapunta kami sa kusina.

Parang may hinahanda silang mga ilang pagkain, chips at inumin.

Magkakasama sila zad, renzo, casz at drex. Wala si khanz at thamy.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now