Chapter 22

2.9K 77 4
                                    


          Biglang dumating ang pulis na naka-assign sa mga selda kasama na ang selda nina Mang Ben, na si SPO3 Marvin Juan Luna. Tiningnan niya isa-isa kung kompleto ba ang mga preso at kung malinis ba ang bawat selda.

SPO3 Marvin: Magsitayo ang lahat! Ano naglinis na ba kayo ng mga selda niyo?! Patingin nga! Bilis-bilisan ang kilos! Ang natutulog tumayo na! Tingnan ko mga selda niyo!

          Agad na kumilos ang lahat. Nagsitabi sila at nagbigay espasyo para matingnan ng pulis ang loob ng kanilang mga selda na hindi na hindi na kailangan pang pumasok. Isa-isa itong tiningnan ng SPO3. Masaya naman siya sa kanyang nakikita, panghuli ang selda nina Mang Ben. Pagdating niya kina Mang Ben, medyo nagulat siya sa tumambad sa kanya. Si Mang Ben, nakaupo pa rin sa higaan niya.

SPO3 Marvin: Hindi mo ba narinig ang sinabi ko tanda?

Mang Ben: Narinig ko.

SPO3 Marvin: May hindi ba maliwanag sa sinabi ko?

Mang Ben: Maliwanag sa akin ang lahat.

SPO3 Marvin: Niloloko mo ba ako?

          Sabay lapit ng ulo sa may pintuan ng selda at tinitigan ang matanda.

Mang Ben: Hindi....

          Sabay ganti ng titig sa SPO3. Kumunot ang noo ng sigang pulis sabay lunok. Bigla siyang napaatras at nagsalita....

SPO3 Marvin: Sige na, tapos na tayo dito. Hoy kayo....

Turo niya sa mga tao sa selda ni Mang Ben.

SPO3 Marvin: Maglilinis kayo ng banyo ngayon ha. Lahat kayo! Maliwanag?!

Mga Preso: Opo sir.

          Biglang napatingin si Tolits kay Mang Ben habang naliligo sa sarili niyang pawis.

SPO3 Marvin: Tara na!

Sabi ng pulis sa mga bata niya. Sabay alis palabas ng selda.

          Agad na dumiretso si SPO3 Marvin sa opisina niya at inutusan ang kanyang isa sa mga bata na hanapin ang mga papeles tungkol sa kaso ni Mang Ben. Kinuha niya ang isang kaha ng sigarilyo sa kanyang drawer at nagsindi ng isang stick. Lakad nang lakad ang pulis sa loob ng kanyang silid. Paroo't parito na para bang hindi siya mapakali pagkatapos ng nangyari. Biglang dumating ang pulis na inutusan niya.

Pulis 2: Sir, hindi pa raw handa kasi kakapasok lang ng matanda. Kanina lang raw.

SPO3 Marvin: Sige, patawag mo na lang ang isa sa mga humuli sa bagong pasok.

Pulis 2: Sige po.

          Agad na sumunod ang utusang pulis. Ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik na siya kasama ang isa sa mga pulis na humuli kay Mang Ben.

Pulis 3: Sir?

SPO3 Marvin: Sino ang bago? Anong kaso?

Pulis 3: Ben po, yan lang po ang nakuha naming impormasyon sa ngayon sir. Murder po ang kaso niya. Bakit po sir, may problema ho ba?

SPO3 Marvin: Wala, wala. Sige na makakaalis na kayo.

          Naiwang mag-isa ang naghahari-hariang pulis sa loob ng kanyang opisina, walang tigil sa paninigarilyo. Pilit na pinapalabas ang nararamdaman sa hindi pa nalalamang dahilan sa pamamagitan ng pagbuga niya ng usok.

Matakot Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon