Chapter 21

3K 74 1
                                    



"Estranghero"

          Binihisan ni Mang Ben si Bogs ng barong tagalog at maging ang anak niya ng gown na pangkasal. Nang matapos siya ay pinahiga niya ang dalawa sa kama na magkatabi na para bang kinakasal sila. Nang maayos na ang lahat ay pumunta siya sa paanan ng higaan at tiningnan ang dalawa na siyang nagbigay ngiti sa kanyang mga labi. Para siyang isang amang nakangiti habang tinitingnan ang anak na naglalakad papuntang altar, handang isuko sa kanyang mapapangasawa. Habang tinititigan ni Mang Ben ang dalawa ay bigla siyang nagsalita....

Mang Ben: Sa wakas anak, natupad ko rin ang pangako ko sa'yo.

          Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon ay biglang kumalabog ang pintuan ng kwarto kung nasaan ang matanda at ang dalawang bangkay. Laking gulat ni Mang Ben nang makita niya ang mga pulis.

Mga Pulis: Dapa! Dapa! Huwag ka nang lumaban pa!

          Wala nang nagawa pa si Mang Ben. Huli na ang lahat, kitang-kita na siya sa akto. Hindi na niya maitatanggi pa ang kanyang nagawa, ang kanyang pagpaslang sa kawawang binatang si Bogs. Sinunod niya na lang ang utos ng pulisya. Dumapa siya at nilagay niya sa kanyang batok ang kanyang mga kamay. Pinusasan siya ng isang pulis, pinatayo at pinalakad palabas ng bahay. Tulala ang matanda at hindi na siya nakaimik pa. Pagdating sa police station ay agad siyang pinaupo at tinanong.

Pulis 1: Ano po ba ang nangyari? Kayo po ba ang pumatay?

Mang Ben: Oo, pinatay ko ang binata. 'Yun lang naman ang gusto niyong malaman, hindi ba? Ngayon pwede na ba akong magpahinga? Mahaba-haba din kasi ang binyahe namin.

Pulis 1: May karapatan ka para kumuha ng abogado.

Mang Ben: Hindi ko kailangan ng abogado. Alam ko ang nagawa ko at handa akong harapin ang ano mang parusang naghihintay sa akin. Ngayon, uulitin ko. Pwede na ba akong magpahinga?

          Parang binuhusan ng malamig na tubig ang pulisya sa mga naririnig nila. Hindi makapaniwala ang mga pulis sa mga sinasabi at sa lakas ng loob na pinakita ni Mang Ben, na para bang kahit kamatayan ay haharapin niya.

Pulis 1: Sige ipasok niyo na 'yan.

          Sinamahan ng dalawang pulis si Mang Ben sa kanyang selda. Tinanggal nila ang posas sa mga kamay ng matanda bago pinapasok sa loob. Naglakad si Mang Ben papasok na may tapang sa kanyang mukha. Walang bahid ng panghihinayang at pagsisisi. Umupo siya sa kanyang higaan at tiningnan ang labas ng kanyang selda. Wala na siya sa kanyang bahay. Sa tahimik at may sariwang hangin na pamamahay. Ngayon ay mabubulok na siya sa mainit, maingay, matao at mabahong selda, dahil sa sobrang pagmamahal niya sa kanyang anak na para sa kanya ay kinuha mula sa kanya.

Tolits: Oi, mga bata. Tingnan niyo, may bago pala tayong kasama. Tatang, kumusta po? Ako po pala si Tolits ang boss sa seldang 'to. Kayo po, ano po ang pangalan niyo?

          Titig lamang ang unang isinagot ng matanda. Biglang kumunot ang noo ng tigasing si Tolits at napalunok. Nakaramdam siya ng kilabot at kaba habang tinititigan ang matanda. Bigla siyang napaatras.

Mang Ben: Ben. Ben ang aking pangalan.

          Sagot niya. 

Matakot Ka!Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt