Chapter 13

3.5K 83 2
                                    


          Tiningnan ng binata ang kanyang cellphone at sa kasamaang palad ay walang signal na pumapasok.

Bogs: Shocks! Pano 'to?

          Unti-unting namumuo ang maiitim na ulap sa kalangitan.

Bogs: Yeah, right! Parang uulan pa ata. Huwag naman ngayon. Please.

          Medyo mabilis-bilis na ang pagpapatakbo ng binata. Wala pa kasi siyang nakikitang gusali o bahay man lang na pwede niyang pahingahan pansamantala sa lugar na hindi niya alam o kabisado. Dahil sa napakahabang byahe ay nakaramdam na ng antok si Bogs. Medyo naduduling na siya sa sobrang antok. Pilit niyang ginigising ang kanyang sarili sa pamamagitan ng tugtog niya pero hindi ito gumagana. Inuuga na niya ang kanyang ulo pag namamalayan na niyang pumipikit na ang kanyang mga mata. Sumigaw siya ng malakas, pero panandalian lamang ang epekto nito. Nanghihina na ang mga braso at binti ng nag-iisang binata, at nakaramdam na rin siya ng pagkahilo. Unti-unting lumalabo din ang kanyang mga paningin. Habang abala si Bogs sa paghahanap ng paraan na panatilihing gising ang kanyang diwa ay hindi niya namamalayan na nakaupo na pala sa tabi niya ang babaeng nakaputi. Napalingon ang binata sa kinauupuan ng dalaga. Dahil nga naduduling at nanlalabo na ang kanyang paningin ay hindi niya ito naaaninag nang tama. Tinitigan niya ito ng mabuti nang biglang...hinawakan siya nito sa braso!

          Biglang nagising si Bogs, pero laking gulat niya nang sumalubong sa kanya ang ilaw ng isang truck na papunta sa kanyang kotse. Agad niyang inilag ang kanyang sasakyan at tuluyan na nga siyang bumangga sa isang puno. Mabuti na lang at hindi gaanong malakas ang pagkakabangga niya at gasgas lamang ang natamo ng kanyang sasakyan at hindi siya nasiraan. Hinawakan ng binata ang kanyang noo at nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansin niyang...gabi na pala. Hindi niya namalayan ang mga nangyari sa mga nagdaang mga oras na para bang nakatulog siya ng pagkahaba-haba at hindi na niya nakita ang takip silim. Tiningnan niyang muli ang kanyang cellphone, wala pa ring signal. Tiningnan niya ang kanyang orasan, 7:00 PM na. Wala pa rin siyang nakikitang lugar na pwede niyang mapagpapahingahan. Lumabas ang binata sa sasakyan para tingnan ang kalagayaan ng kotse at buti na lang ay hindi ito masyadong napuruhan. Napabuntong hininga na lang siya at pumasok muli sa loob ng sasakyan. Muli niya itong pinaandar at nagpatuloy sa pagdridrive.

Bogs: Ano ba yan, wala ba talaga ditong mga bahay? Kainis naman o at paanong naabutan ako ng gabi? Nawawala ba ko?

          Sa malayo ay may naaaninag si Bogs na imahe, parang isang taong may bitbit na lampara na para bang may inaabangan siyang bisita. Habang papalapit si Bogs ay umalis naman ang tao sa kanyang kinatatayuan. Naglakad papasok sa isang hindi gaanong malaking daan na napapalibutan ng iba't ibang klase na damong ligaw at malalaking punong kahoy. Nagmaneho ng mabilis si Bogs, kailangan niyang maabutan ang tao para makahingi siya ng tulong. Nang marating na niya ang pinasukang daan kanina ng mama' ay agad siyang lumiko at mabuti nalang ay kasyang-kasya lang talaga ang kanyang sasakyan.

          Pagkaliko na pagkaliko niya ay sumalubong sa kanya ang isang bahay na may dalawang palapag na nasa gitna ng halos gubat na na hardin. Wala itong bakod kaya nakapasok lang siya kaagad. Dahan-dahan siyang lumabas ng kanyang sasakyan at pumuntang likod para kunin ang kanyang bag. Alam niyang may tao sa loob dahil may mga nakasinding mga ilaw sa loob nito. Naglakas loob siyang nagpatuloy at pumunta sa harap ng pinto ng bahay at saka kumatok.

          Walang sumagot ng pinto. Kumatok siyang muli, per wala pa rin.

Bogs: Tao po...tao po...pwede po bang makituloy?

          Pero walang pa ring sumagot. Umalis siya sa kanyang kinatatayuan at pumunta sa may bintana. Sumilip siya at tiningnan ang loob. Sumilip siya sa may sala, walang tao. Sa kusina, wala pa rin. Sa hapagkainan wala din. Pero kapansin-pansin ang mesa na puno ng pagkain na hindi pa nagagalaw at dalawang upuan na magkaharap. Hindi ganoon kalaki ang mesa. Kasya ang anim na tao rito, pero ang upuan, dalawa lang, na para bang may magdidiwang na mag-asawa ng kanilang anibersaryo. Bumalik muli ang binata sa harap ng bahay at tuluyan na nga niyang binuksan ang pinto at siya'y pumasok na walang pahintulot.

Matakot Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon