Mensahe ng Sumulat

9K 185 10
                                    


          Sa mga mahal kong mambabasa, maraming salamat po sa pagtangkilik at paglaan ninyo ng inyong panahon sa pagbabasa ng kwento kong ito. Pero bago kayo magpatuloy sa susunod na pahina at tuluyang paganahin ang imahinasyon at pumasok sa mundo ng kababalaghan at katatakutan ay hayaan ninyo munang ihatid ko sa inyo ang aking mensahe at paalala.

          Ang aklat na ito ay walang koneksyon sa kahit na kaninong buhay na tao, mapaartista, pulitiko o maging normal na tao man. Ito ay walang bahid na katotohanan at pawang kathang-isip lamang. Nais ko pa ring itanim sa inyong mga puso na ang dasal at pananalig sa Puong Maykapal na siyang naglikha ng lahat ang pinakamabisang sandata laban sa takot at pangamba na nararamdaman natin sa mundong ibabaw na ito.

          Ang misyon ng librong ito ay ang malibang kayo sa tuwing bakanteng oras ninyo. Binabalaan ang mahihina ang puso at paniniwala na huwag nang magpatuloy at basahin ang librong ito o kung maari ay dapat ay may patnubay at gabay ng mga magulang lalo na sa mga batang mambabasa.

          Nawa'y magustuhan ninyo ang tatlong kwentong aking pinaglaanan ng oras at panahon mapaganda lamang ang bawat eksena upang mahalin ninyo ang bawat pahina nito.

          Muli, ako'y nagpapasalamat.


          Sumasainyo,


          Elthon B. Cabanillas

Matakot Ka!Where stories live. Discover now