Ang Wakas

9 2 0
                                    

Ang Wakas
Started: 11/07/19
Finished: 11/07/19
Language: Filipino
My entry for submission for "Pagsusulat ng Parabula" activity in Filipino 9.
My own idea.

Sa isang marangyang bahay di-kalayuan sa may burol ay mayroong pamilya na naninirahan. Pawang ang mga magulang at mga nakatatandang kapatid ay mababait at mapagkumbaba. Taliwas sa bunsong anak, nasa labing walong taong gulang, na mailap at masungit sa  iba.

"Ravi! Hindi pa tayo tapos kumain. Bumalik ka rito!" Ngunit ang galit na sigaw ng ama ay parang wala lang sa kanyang mga tainga. Patuloy siya sa paglalakad patungo sa burol, ang kanyang tambayan. Kumunot ang kanyang noo nang may makita siyang isang dalagang nakaupo sa tuktok.

"Anong ginagawa mo riyan?" Masungit niyang tanong. Mabagal ang paglingon sa kanya ng babae. Bahagya siyang napatigil nang makita ang napakagandang mukhang lumingon. Napawi ang kanyang pagkabigla nang makitang luhaan ang mukha nito.

"Anong nangyari sa iyo?" Dagdag niya pang tanong. Tila ba kumulo ang kanyang dugo nang hindi sumagot ang kausap. "Ano ba! Bakit hindi ka sumasagot?!" Sigaw niya.

"Nagawi kasi ako rito kanina lang... At napakasakit ng aking paa!" Lalo pang umiyak ang dalaga. Sumulyap si Ravi sa halos mamimilipit na mga paa ng babae. Kita niya ang labis na sakit sa mukha ng kausap. Gayunpaman, hindi nagpatinag ang kanyang pagkailap.

"Umalis ka rito..." Malamig niyang wika. "Nais kong mapag-isa ngayon kaya umalis ka na," dagdag niya pa.

"Pero..." Aangal pa sana ang dalaga ngunit agad na sumingit si Ravi sa kanyang saaabihin.

"Walang pero-pero. Ako ang masusunod dapat!" Singhal ni Ravi. Umiiyak man ay wala nang magawa ang dalaga kung hindi ang umalis.

Dahan-dahan at hirap na hirap siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Walang-lingon siyang tumalikod at paika-ika pang naglakad upang makababa ng burol. Hindi nakatakas sa paningin ni Ravi ang duguang binti ng dalaga.

"Amelia! Diyos ko, hija! Ano ang nangyari sayo?" Agad na dumalo sa kanya ang isang ale. "Naku, ano ba kasi ang nangya— HALA, TULOOOONG!"

Nagpantig ang mga tainga ni Ravi nang marinig ang ingay sa baba. Mayroong mga kalalakihang bumuhat sa hinimatay na dalaga, na ngayon ay putlang-putlang na. Walang magawa ang binata kundi mapaawang ang bibig.

"Amelia..." Bulong niya sa hangin. Tanaw niya ang baha ng dugo sa may inupuan ng babae. Napaluhod siya. "Masyado akong naging mailap sayo. Patawarin mo ako," at tuluyan nang bumuhos ang mga luhang kay tagal nang hindi nailuluha.

+

"Ravi! Pang-ilang layas mo na 'to sa hapag-kainan!" Sigaw ng kanyang ina ngunit patuloy pa rin siya sa paglalakad. Sa bawat hakbang niya papuntang burol ay naaalala niya ang mga tulo ng dugo ni Amelia pababa ng burol.

Umiling siya upang mapawi ang alaala. Umaasa siyang makikita niya pa ang dalaga tulad ng nakasanayan. Ang huli nilang pagkikita ay noon pang sugatan si Amelia.

Tama ang hinala niya! Naroon nga si Amelia! Tumakbo siya sa may puno at naluluhang nakangiti habang nakatingin sa maamong mukha ni Amelia.

Dahil ngayon ay hanggang sa pagtingin sa litrato ng dalaga at pagyakap sa garapong may lamang abo na lang ang kanyang magagawa upang mabalikan ang mga alaala nila.

R.I.P.
Amelia T. Cuevas
April 19, 2001 - April 19, 2019

Sa burol na ito nagsimula ang lahat. At dito na rin magtatapos.

Ito na ang wakas.

+

Note:

Pasensya na, sobrang ikli lang nito dahil project lang naman sa school atsaka ayun din ang sabi ni ma'am. Hehe. Atsaka isa pa, para sa mga nagtatanong kung bakit medyo magulo, parabula po kasi siya. Kumbaga pwede rin siyang magsymbolize ng mga bagay in real life. Mayroon din akong iniwang lesson dito and I'll leave it to you kung ano 'yon.

sienrei

MSCHENTZY archivesWhere stories live. Discover now