"Of course. 'Wag mo 'kong utusan!" Biro ko.

"Naexcite lang. Balitaan mo ako." She sounded so thrilled. Habang ako'y lalo lang kinakabahan. I just a had a weird feeling in the pit of my stomach.

I scanned the baybayin script and translated it online. The words read "mahalaga ka." Hindi ko alam kung bakit ngunit biglang bumundol ang kakaibang kirot sa dibdib ko. Parang biglaang bumilis ang pagdaloy ng dugo sa bawat ugat nito. Parang isang bagay na matagal ng patay, na dahil sa mga katagang iyon, muling nabuhay.

Nang gabing iyon, mistulang dagat ang isipan ko. Nakakalunod ang mga pangamba at katanungan. Mas napagtanto kong kailangan kong manatili rito sa Claveria.

Hahanapin ko ang mga bawat piraso ng nawawalang alaala.

Kinaumagahan, ginising ako ng haplos ng pang-umagang araw at ng mga katok ni Ida.

"Miss Zhalia, hindi pa ho ba kayo mag-aalmusal? Hinihintay na kayo sa hapag ni Ma'am Alessandra."

Mabilis akong tumalima para humabol sa hapag. Naabutan ko roon si Mama at si Auntie Camila. Mom is in her corporate attire. Auntie is in a Chanel tweed blazer and skirt, with complete jewelry on. The emerald on her hand blinded my eyes.

"Good morning love!" Auntie Camila beamed at me.

"Auntie, ang aga niyo po. Saan ang punta ninyo?" Tanong ko matapos mahagip ng tingin ang Chanel Deauville tote sa tabi niya.

"In Bali, hija. Edgardo Mortiz is throwing a party for the success of his Haute Couture."

Oh. Party again. Ang tinutukoy niya'y ang kaibigan na Indonesia-based Filipino designer.

"This Friday is my flight to Paris. Would you like to join me, Zhalia?"

I could almost see my mom's grimaces in my peripheral. Minsan, kahit silang magkakapatid ay nagkakainisan sa kani-kanilang mga ugali. This household is often a mess, especially after grandma left her three daughters behind.

"May model casting po akong dadaluhan."

"Good luck then. Huwag kang mag-alala. I'm sure tatanggapin ka naman nila dahil sa apelyido mo."

I know Auntie Camila didn't mean to sound offensive but I felt bitter. Pakiramdam ko namaliit ang kakayahan ko.

"Who would accompany you to Manila?" Mom barged in after a sip of her tea.

"Si Linn, ma. Pupunta siya rito. Baka bukas ang dating. And then next week, sabay na kaming pupunta sa Manila."

"I have a penthouse in Taguig, Zhalia. You can stay there with your friend." Auntie Camila suggested.

"Kila kuya po ako uuwi."

"Sa Bulacan?" Umangat ang kilay ni mama.

"Yes, Mama. But it depends. May bahay rin sila kuya sa Manila. Hindi ko alam kung saan nila nais manatili habang naroon ako."

"You better tell them to stay with you in Manila instead."

"Yes. Anyway, I have to ask, kailan ho ang enrollment sa College of Claveria?"

Eksaherada ang pagkasamid ng aking ina. Namilog rin ang mga mata ng Auntie ko at tumawa na tila ba nagbibiro ako.

"Bakit interesado ka?" Tumuwid ng upo si Mama, sinikop ang postura.

"I'm planning to inquire--"

"Huwag mo nang ituloy." Mom calmly raised her hand in the air.

Napabuntong hininga ako bilang pagsuko. Alam kong kailan ma'y hindi ko maipapanalo ang argumentong ito.
Tahimik kong tinapos ang almusal.

(La Mémoire #1) NOSTALGIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon