Pansin kong bumubukas ang bibig niya ngunit walang boses at mga salita ang lumalabas dito, kaya sa huli ay pipiliin na lang niyang isara ito sa takot na baka pasukan ng langaw.

"Huwag mong sayangin ang sarili mo para sa taong sinaktan ka, para sa taong wala namang paki sayo dahil sayang ang oras, move on bitch! Baka malampasan ka ng taong para sayo talaga dahil sa hindi ka pa rin nakaka move on sa taong ginagawa ka lang namang tanga" matapos akong magsalita  ay niyakap niya ako atsaka muling umiyak.

"Thank you hik! Thank you dahil sayo namulat yung isip ko" I just smiled at her at hinigit na sya papalabas ng cubicle, nang makalabas kami ay nagulat ako dahil sa daming chismosang nakikiusyoso dito sa labas at pinapanood kami.

Biglang pumasok si aheera at nagulat sya dahil medyo maraming tao

"My gosh anong nangyayari dito? Mayroon bang suntukan dito? Oh baka naman may sabong? O di kaya sine?" aheera said sarcastically atsaka pinagbubugaw ang mga tao gamit ang mga kamay niyang pumipilantik sa ere.

Napatingin ako bigla kay..  "Anong pangalan mo nga pala?" tanong ko sa kaniya.

"I'm Kendra. Kendra Monterial" sambit niya at dirediretso na kaming naglakad at hindi pinansin ang mga taong nakikiusyoso.

"Hiii! Ako nga pala si Aheera Faye Santiago 16 years old and I thank you" sabi ni aheera na may pag bow pa. Nakita kong ngumiti sa kaniya si Kendra atsaka ito bumaling sa akin, "Ikaw? Anong name mo?" tanong niya sa akin.

"Juno Savy Tuazon" napansin ko ang medyo pagkagulat niya nang sabihin ko ang pangalan ko. "Ba't? Ba..kit parang panlalaki?" napatawa naman si Aheera.

"Hahaha ganyan din yung sinabi ko nung una kong marinig pangalan niyan pero ang sabi ni tita Joana, yun daw yung ipinangalan sa kaniya para unique. Yung tipong kahit isama mo sa marami ay mag I-stand out, diba Sav?" natawa na lang ako sa utak ko dahil talagang kabisado ni aheera yung sinabi ni mom. "Yeah" tanging nasabi ko sabay tango.

"O diba ang sarap niyang kausap, yung tipong maswerte ka na kapag naka lampas yan ng limang words sa isang sentence niya. Kapag naman nakaulit siya ng tatlong sentence na sunod sunod, himala na ang tawag dun" sambit nito na alam kong panlalaglag. Tss kahit saan at kahit kailan mo talaga isama si Aheera, mag I-stand out yung boses niya dahil sa lakas.

"Alam niyo, sana matagal ko na kayong nakilala para matagal ko na din sanang naramadamang sumaya" sambit ng babaeng kasama namin na kakikitaan mo ng lungkot, at saya at the same time.

"Ay ano ka ba, naniniwala ako sa kasabihang everything has a reason. Kaya kung madilim ang buhay mo dati, baka talagang meant to be yun hahaha" para namang bruha na tumawa si Aheera, tss she's freaking crazy.

"Hahaha san nga pala kayo nag aaral?" sunod na tanong ng babae. "Ako ng sasagot sa tanong mo Kendra at alam ko namang pipi yung kasama natin" napa, "tss" na lang ako dahil sa kadaldalan nitong si Aheera.

"Umupo na muna tayo at mag order atsaka natin ituloy ang kwentuhan, nagugutom na kasi ako" saad ni kendra nang makarating kami sa mcdo.

"Hahaha sige sige", nag order na si Aheera at sinabihan kong orderan na lang din kami ni Kendra.

After a minute ay nakabalik na siya habang may kasunod na lalaki na mahahalata namang nilalandi nito kaya tumawa ng tumawa si Kendra.

Nang umupo si Aheera ay kinidatan pa nito yung waiter bago tuluyang umalis. Napangiwi na lang ako dahil sa kalandian nitong taglay.

"O diba, bakit mo pa iiyakan yung ex mo kung madami pa namang lalaki sa mundo?" sambit pa ni aheera atsaka tumitig pa sa mga mata ni kendra. This time ay alam ko na kung bakit niya finlirt yung waiter, para ipakita kay Kendra na hindi lang yung ex niya ang lalaki sa mundo.

"Hindi kasi lahat ng lalaki dito sa mundo kaya kong mahalin ng kagaya ng pagmamahal ko sa kaniya" seryosong sabi ni Kendra na ikinatahimik ni Aheera. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na hindi sumabat, "Nasasabi mo lang yan kasi hindi mo pa natatry na humanap at magmahal ng iba" agad nabaling saakin ang tingin ni aheera na para bang nakaramdam ng awa saakin.

"Pero sabi mo nga diba mahirap humanap ng iba dahil mahirap kalimutan ang nauna" sambit ni Aheera having that pity look on me. Agad naman akong natahimik dahil sa ginawa niya.

°°

Code ErrorWhere stories live. Discover now