May lumabas ng isang babae kaya may bakante na pero mas pinili kong pakialaman itong umiiyak dito sa cubicle na ito.
"Hoy! May tao ba dyan?" sigaw ko dito sa cubicle na nasa tapat ko kahit na alam kong may tao naman. "Hoy! may tao ba?" sigaw kong muli atsaka kinalampag ang pinto.
"Ano ba! Ang dami pa naman dyang cubicle na pwede ah.. hik!" sigaw nung babae na halata namang umiiyak.
Sinipa ko yung pinto dahil naiinis na ako. Nang tuluyang mabuksan ito ay tumambad sa akin ang isang babaeng naka upo sa bowl at pulang pula na ang mata dahil siguro sa ka-iiyak.
"Ano ba! Ano bang problema mo? Bakit mo sinira yung pinto ha? Hik!" nainis naman ako kaya nabatukan ko ng wala sa oras yung babae.
"Huwag ka ngang maingay ang lakas ng boses mo. Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa babaeng ito. Pero tinaasan pa ako ng kilay. "Pakialam mo ba?" sigaw niya pa sa akin. Aba ay siya na nga ang tinutulungan siya pa ang galit, hanep na yan.
"Pwede ba mag share ka na lang kung ayaw mong i flash kita dyan sa bowl" naiinis kong sambit sa kanya pero tiningnan niya lang ako sa mata atsaka nagsalita, "So nakakatawa ba yun? Hik!" pambabara sa akin nung babae kaya nainis ako lalo at nasuntok itong pinto ng cubicle.
"Hindi yun nakakatawa, hayan nga at umiiyak ka" tinitigan ko rin siya sa mata at muling nagsalita ng nasa malamig na tono. "I.. just.. want.. to.. help.. kaya kung ako sayo, aayusin ko na ang mga sinasabi ko, dahil kapag nainis ako, paniguradong hihiram ka ng mukha sa aso" alam kong natakot yung babae sa sinabi ko na makikita naman sa reaksyon niya, hanggang sa magsalita siya.
"I saw my boyfriend. Kissing someone a while ago, I tried to comfort myself but I.. I can't! I can't forget what happened earlier because I love him so much" sabi nung babae na halata namang nasasaktan dahil kitang kita ito sa mga mata nya.
"Hindi naman talaga mawawala na may mga gagong lalaki dito sa mundo at ang malas mo lang kasi yung lalaking mahal mo ay kabilang dito, pero kung ako sayo? Hindi ko hahayaang masayang yung luha ko para sa kanya, he's not worth it" pagbibigay ko ng advice sa kanya.
"But how can I? how can I hold my tears if I always remember how he wiped my tears whenever I cry?" sabi nya sakin na para bang nanghihina na at ang naiisip niya lang na paraan ay ang putulin ang buhay niya.
"Yes he always wiped your tears because he's always the reason why you cry" I patted her back to make her calm. "Hindi mo kasi ako naiintindihan eh" sabi niya sakin na parang nagagalit pa dahil sa pakikialam ko sa kaniya.
"Ano ba ang hindi ko maintindihan? Sa tingin mo ba hindi ko alam kung paano masaktan? Kagaya mo, isa rin sa mga nabubuhay na gago dito sa mundo yung taong minahal ko. Sana nga yan lang yung nakita ko eh, sana halik lang yung nakita ko. Sana yan lang yung naramdaman ko kasi masyadong masakit na ipamukha sayo na hindi ka niya gusto! Masakit ipamukha sa atin na hindi tayo ang mahal nila dahil merong iba, araw araw nakikita ko kung gaano sila kasaya araw araw kumikirot yung puso ko dahil kahit alam niyang mahal ko siya, para bang isinasampal niya sa akin ng paulit ulit na may mahal siyang iba at masaya siya sa piling ng iba" tiningnan ko siya mata sa mata habang nagsasalita, hanggang sa matapos ako ay nakita ko na wala ng pumapatak na luha galing sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Code Error
Teen FictionCode Error.. This story is under reconstruction. I suggest for you not to read this for now because it's a little bit messy and complicated. Thank you for understanding.
Chapter 1
Magsimula sa umpisa
