"Ano ba! Nag iisip ka ba? Kagwapo ng kuya mo tapos paghihintayin mo lang? No way!" sambit nito habang umiikot pa ang mga mata, tss wala na siyang paki kung maghintay man si kuya, kuya is willing though.
"No way nye nye" I mimicked her voice and she just continue rolling her eyes, atsaka niya ako hinigit papunta sa isang botique.
"Wahhhh sav! Ang ganda nito oh, bagay ito sayo promise!" sabi nito atsaka ipinakita ang isang black dress na kung saan ay strap lamang ang nakasampay sa balikat mo para hindi mahulog.
"The fuck! No way aheera, ilayo mo sakin yan" naiinis kong tugon sa kanya kaya napabusangot na lamang ito.
"Ang arte arte mo naman samantalang noong una kitang nakita dun sa university dati naka off shoulder dress kang pink na floral kaya nga ako na inlove sayo nun eh!" malakas na sabi ni aheera habang pa pikit pikit pa ang mata kaya may mga taong tumingin sa sa amin.
They look at us na para bang nandidiri, tss what a judgemental society. Bumabase lamang sa kung anong nakikita nang dadalawa nilang mata.
"The fuck aheera!" pagmura ko ng mahina sa kanya. "Dali na baby ito yung isuot mo mamayang gabi please" sambit niya ulit. Pero this time, that's below the belt. Dahil kahit ako ay nadiri sa sinabi niya. Ano nanaman kayang kalokohan ang naisip ng isang ito.
Hinigit ko si aheera at dinala sa isang side na walang tao. "Putspa aheera ano bang pinagsasabi mo madiri ka nga, nakakahiya ka ang daming tao o!" nang matapos akong magsalita ay agad na tumawa ng malakas si aheera.
"Babe naman eh!" malandi at malakas niyang sabi kaya mas lalo lang kaming pinagtinginan. May sayad talaga ang babaeng ito.
"Wahahaha ang epic kasi nung nga itsura nila oh nakakatawa hahaha priceless! Mga nanghihinayang sa itsura natin girl, nanghihinayang sila kasi baka gusto pa nilang palahian satin yung mga anak nilang boys para naman mai-share natin tong ganito kagandang mukha, ang kaso lesbian pala, hahaha sumakay ka na lang sa trip ko. Para lahat happy!" bulong sakin ni aheera at nauna na ang gaga na magbayad sa counter. Nye nye, happy mo mukha mo.
"Babe come on! Magbayad na tayo para makauwi na tayo!" minsan talaga inaabot talaga ng sayad itong si aheera, kahit saan at kahit kailan. Kaya nakakainis dahil nangdadamay pa.
Umalis na kami at lumipat sa ibang botique habang si aheera ay hindi pa din tumitigil sa pagtawa. "Madapa ka sana tapos mapangudngod yang mukha mo sa sahig!" sabi ko sa kanya na naging dahilan kung bakit napatigil sya sa pagtawa.
"Ikaw talaga kahit kelan di kita maintindihan eh. Magsasalita ka lang ng mahaba kapag nang ookray ka oh di kaya humihiling ng masama para sa kapwa, tapos kapag hindi naman ang tahi tahimik. Haistt awan ko sayo, weirdo!" sabi ni aheera at nauna ng pumasok sa botique nung mga bag.
YOU ARE READING
Code Error
Teen FictionCode Error.. This story is under reconstruction. I suggest for you not to read this for now because it's a little bit messy and complicated. Thank you for understanding.
Chapter 1
Start from the beginning
