"Yes. simula bukas sabay na tayong papasok dyan sa DFU" malawak na ngiti na sagot niya habang ako ay hindi naman makapaniwala at pilit nag-iisip ng dahilan para maisipan niyang huwag pumasok dito at bumalik na lang sa states.
Sinimulan ni kuyang paandarin ang sasakyan nang tuluyan na kaming makapasok at maka-upo ng maayos sa loob.
"Why? Saan ka.. Paano ka dito? Paano sila tita sa US? Bakit?" I don't know what to ask her first kaya naman nagkasabay sabay at nagkahalo halo na ang mga itatanong ko sa kanya. Nakita kong nakasimangot siyang tumingin sa akin.
"Pssh para namang ayaw mo kong makasama eh" pagmamaktol nito kaya mas minabuti ko ng magpaliwanag sa kanya.
"It's not like that aheera, I'm just worried. Sige nga saan ka naman dito tutuloy?" I ask and at the same time stare at her nang bigla niya na lang akong batukan. I was about to take my revenge pero nagsalita siya.
"Yung kanina mong sinabi medyo hindi masakit eh, pero ngayon na tatanungin mo ako kung saan ako pwudeng tumira? What the hell bitch! Did you know that tita offer your house a while ago. When I told her kanina about my plan, she immediately told me na sa inyo daw ako mag stay!" nang matapos siyang magsalita ay nakaramdam ako na inuusig ako ng konsensya ko. Tss bakit nga ba hindi ko naisip sa pupwede siyang sa bahay mag stay.
"Pfft hahaha" I heard kuya laugh. "Kuya bakit ganito yung kapatid mo? Kanino ba nagmana ito? Hindi naman kasi ganito ang ugali niyong lahat, naiiba talaga siya!"
Tss this girl is really a bitch. Is she thinking na ampon ako? Tss. Napatingin na lang ako kay kuya na animo'y kinikiliti dahil hindi tumitigil sa pagtawa. And seriously I'm getting piss-off sa tawa niya.
"Mabilaukan ka sana sa laway mo" hindi ko napigil na sabihin sa kanya dahil sa inis na nararamdaman ko. Sandaling nanahimik si kuya, I thought na nagalit siya.
But after a while ay sabay na napahagalpak ng tawa ang dalawa na akala mo'y nanonood ng isang comedy. I can't take this moment anymore, hindi ko kayang pakisamahan ng matagal ang dalawang may sayad sa utak. Napailing na lang ako bago ko pa sila maihulog dito sa kotse.
After 20 minutes ay nakarating na kami sa mall.
"Kuya Janus sige na kaya na namin at pwede ka ng umuwi, magtataxi na lang kami mamaya kapag uuwi na kami!" hinigit agad ako ni aheera papunta sa isang botique at hindi man lang hinintay sa sumagot si kuya.
"Sav!" pagtawag ni kuya na mukhang nag aalala. "Hintayin ko na lang kayo dito sa labas!" dagdag pang saad nito.
I was about to speak pero naunahan ako ni aheera.
"Hindi na kuya janus, don't worry hindi ko papabayaan itong unika iha niyo byeee" wala namang nagawa si kuya at napakamot na lang sa ulo bago tuluyang sumakay sa kotse at umuwi.
"Bakit ba hindi na lang tayo magpahintay? Pwede naman tayo nun hintayin dyan sa labas, mag aaksaya ka lang ng pera pang taxi" sambit ko sa kanya pero tiningnan lang ako nito ng masama atsaka nagsalita.
YOU ARE READING
Code Error
Teen FictionCode Error.. This story is under reconstruction. I suggest for you not to read this for now because it's a little bit messy and complicated. Thank you for understanding.
Chapter 1
Start from the beginning
