Agad akong nakaramdam ng inis, ako yung dapat na ganun umasta, ako ang gumagawa nun sa mga taong bumabangga sa akin.
Unti unti nang nagsisidami ang mga estudyante. Ang dami ng dumadaan sa labas ng classroom at may mga nagsisigawan na din sa ibaba na maririnig hanggang dito.
Dumadami na din ang bilang ng mga estudyanteng pumasok dito sa room at ang kinaiinis ko ay pinagtitinginan at pinagbubulungan nila ako kaya nagdesisyon ako na pumunta muna ng cr habang hindi pa dumadating ang teacher.
Pagdating ko sa cr ay agad akong napamura nang may maramdaman ako. At nang tingnan ko ay tama nga ang hinala ko. Buti na lang at may baon akong napkin sa bag.
Natagalan ako sa cr dahil sa bwiset na dugong ito. At pwede ba, huwag kayong magtaka kung bakit ako fluent sa pagtatagalog, oo nga at sa states ako nag-aral at namalagi pero tuwing bakasyon ay umuuwi kami sa Pilipinas dahil may company ang parents ko dito, and besides we have our houses and lots here.
Ilang oras din akong natagalan sa cr kaya nang dumating ako ay dumoble pa ang bilang ng mga estudyanteng nandito na kanina at ang malala pa ay nandito na yung teacher.
"Ohh you must be the transferee right?" tanong nito kaya tumango ako at pumasok sa loob dahil pinagtitinginan na ako dito sa labas nung mga nagkalat na estudyante.
"Can you introduce yourself dear?" sabi niya sa akin. "I'm Juno Savy Tuazon." matapos kong magpakilala ay agad na akong pumunta sa kinauupuan ko kanina. Hindi ko na kayang tagalan ang mga titig nila.
"Ahmm okay, sige na dear you may sit." sabi nung teacher habang nasakalagitnaan na ako papunta sa inupuan ko. Tss, kahit hindi mo sabihin ay uupo ako.
Nang makalapit ako ay hindi ko inaasahang may papatid sa akin kaya napasubsob ako sa lalaking nakatungo ang ulo na mukhang natutulog sa desk.
"Fuckshi*!" mahina akong napamura dahil sa inis, habang nagtatawanan ang mga estudyante dito sa loob ng room.
Unti unting tumaas ang ulo ng lalaking kinasubsuban ko kaya unti unting kinabahan ako.
Nang tuluyang tumingin sa akin yung lalaki ay nagulat ako. "Ikaw nanaman?" he shout at me na para bang palamon niya ako. He looks like a devil na para bang gusto na niya akong ihulog ora mismo mula dito sa 3rd floor ng building.
My imagination started to work, I can see him from the ground na parang demonyong tumatawa habang nakatingin sa nakahandusay kong katawan sa lupa. "Hindi ko sinasadya, it's just.." pagpapaliwanag ko sa kanya kahit na nakikita ko sa itsura niyang wala siyang balak makinig sa paliwanag ko.
"I don't want to hear your fuckin' explanation bitch! I'm really pissed-off." as expected, ganun ang naging reaksyon niya.
Tumayo siya sa kinauupuan niya kaya nag umpisang mag panic ang guro sa unahan.
"Guys.. tigilan niyo yan. Pigilan niyo yang si hennecken!" natatakot na sabi nung teacher pero para bang hindi siya narinig ng lalaking unti unting lumalapit sa akin.
Akala ko may tatamang kamao sa mukha ko kaya awtomatikong naitabing ko ang mga kamay ko. Ilang segundo ko ding hindi inalis ang mga kamay ko hanggang sa mapagtanto ko na pinigilan siya ng ilang lalaking kaklase namin.
"Bro! Babae yan, umayos ka" sambit nung lalaki at hinigit siya papunta sa bakanteng upuan sa unahan para doon ito paupuin.
YOU ARE READING
Code Error
Teen FictionCode Error.. This story is under reconstruction. I suggest for you not to read this for now because it's a little bit messy and complicated. Thank you for understanding.
Chapter 1
Start from the beginning
