Mabilis kong hinawakan ang malamig nyang kamay at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Naramdaman ko nalang yung pagyakap sakin ni Dad at Travis na para bang pinipigilan ako. No! No! This not true! She's alive! She's fucking alive! Ramdam ko nalang na inilalayo ako ni Dad kay Misaki pero hinding hindi ko sya bibitawan kahit magkamatayan na! todo ang iyak ko na para bang ako yung nawalan na tunay naman. Ako yung nawalan! Mahal ko yung tao! Si Misaki yun! Bakit!?


"Son... son... hey son... you need to calm down... son..."


"No! Dad!" sigaw ko at bubuhatin ko na sana si Misaki paalis sa kabaong ng matagpuan ko nalang yung sarili kong nakahiga sa sahig. Pilit akong kumakawala sa pagkahawak nila. I need to do something! I to do it! No one can stop me now! Not until I hug her and talk to her again!


Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak nila nang may naramdaman akong nakatingin—rather be na pinapanood ako. Tumingin ako sa gawi ng kabaong at sobrang nanlalaki ang mata ko ng makita ko ang pinakamamahal kong babae ay nakatayo't nakatingin sakin. Pilit kong inaalis ang pagkakahawak nila sakin na napagtagumpayan ko naman at mabilis kong itinakbo ang pagitan naming dalawa at bigla ko nalamang syang niyakap ng sobrang higpit. I miss her so much... I inhale her scent and it makes me calm pero pilit nila akong pinalalayo doon at sobra talaga akong nagwawala dahil sa kagustuhan nilang malayo ako sakanya.


Sa mga lumipas na oras, araw, buwan at taon ay wala na akong ibang ginawa kung hindi tumunganga nalang sa kawalan na madalas isiping wakasan nalang ang buhay. Ano pang silbi ko dito sa mundong to?


Wala sa sariling kinuha yung kutsilyo sa ilalim ng unan ko at handa na sana akong kitilin ang buhay ko nang bigla syang sumagi sa isipan ko. Yung inosente nyang mukha na nakatingin sakin na punong puno ng pagtataka. Kusa ko nalang nabitawan yung hawak kong kutsilyo't tumawa magisa.


"Sino ka ba talaga?" natanong ko nalang yung sarili ko. Napatulala nalang ako at bigla nalang may kumawalang enerhiya sa katawan ko. Natawa nalang ako ng maisip ko na kahit ilang beses kong naramdaman ang enerhiyang kumawala sa katawan ko ay parang walang nangyari.


Oo... makailang beses ko nang nararamdaman ito sa loob ng limang daan taon ngunit ni minsan ay hindi man ako nito pinatay ng biglaan ngunit unti unti naman ako nitong pinapatay. Hindi totoo ang sinabi ng isang doctor na komunsulta sakin. Kung totoo man yun edi sana patay na ko at kasama ko na ang mahal ko.


"Anak..." napatingin naman ako sa pinto ng kwarto ko't pumasok si Mommy na nakangiti. Buti pa sya nakakangiti... ako kaya? Kelan?


"Hindi ka ba mamasyal? Hindi ka ba nabuburyo dito?" nagaalalang tanong ni Mommy Nabuburyo? Dito? Sino? Ako? Hindi ko nga alam eh. Napailing nalang ako. Ngumiti naman si Mommy at umupo sa tabi ko at yumakap sakin ng patagilid.


"Anak... bagit ganoon na lamang ang reaksyon mo ng makita mo si Margaux na isang pamangkin ng mangagaso?" mas pinili ko nalang yakapin sya kesa sumagot sakanya.


"Bakit ganon na lamang ang pagiyak mo noong nakita mo ang bangkay nya na nakahiga sa kabaong? Bigla ka nalang nawala sa sarili mo," bakit nga ba? Sa tuwing nakikita ko sya sa isip ko bigla bigla nalang tumitigil ang mundo't parang tinatambol ang puso ko.

THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓Where stories live. Discover now