ASKM 4

66.1K 1.6K 62
                                    

Chapter 4

Superman...

 

Napasinghap ako. Sumikip ang dibdib ko at unting-unting humirap ang paglanghap ko ng hangin. Papunta siya sa direksyon ko. Hindi ako nagkakamali, siya nga. Si Chris Alden Ramos. Doon na nagsimulang manariwa sa utak ko ang nangyari noon.

***

First year, First semester - EPIFANIO QUESADA UNIVERSITY (Gymnasium)

Prelims palang noon, nakaupo ako sa may Gym. Dito ako tumatambay dahil wala pa naman akong masyadong kakilala. Nakatulala lang ako habang nakapangalumbaba nang may isang perperktong guy na lumapit sa'kin. Oo, lahat ng gusto ng mga babae makikita mo sa kaniya. Gwapo, matangkad, malakas ang appeal at higit sa lahat tipong mayaman.

" Hi, bago ka 'no? I'm Chris, Chris Alden Ramos. Second year, Culinary Student." Saka mabilis na inilahad ang kamay niya. Tipong nakikipagkilala.

Hindi ako umiimik, syempre nahihiya pa ako ng mga oras na iyon. Hello? Hindi ko siya kilala at saka Papa 'yun no. Yummy! Pawisan siya noon. So may pagka-hot, Varsity siguro dahil kita naman sa suot niyang Jersey.

"Miss, wag mo naman akong ipahiya sa mga kasama ko oh." Matapos niyang sabihin iyon ay napatingin ako sa may bandang likod niya, at oo nga nakatingin sa amin ang mga teammates niya. Kaya, inabot ko na ang kamay niyang kanina pa nakalahad.

"Sorry ha? Elbeth Perez, Eli na lang. Ano nga palang kailangan mo?" medyo nahihiya ko pang sabi.

"Ah wala, kanina pa kasi kita tinititigan. Mukang ang lalim ng iniisip mo." and after 3 minutes na katahimikan, nagsalita ulit siya."Pwede bang humingi ng favor?"

Nak ng, kakikilala palang favor na? Ano 'to close agad? Agad- agad! Pero dahil hindi ako makatanggi at oo isama nang lumalandi ang lola niyo, pumayag na rin ako.

"Sure!" 

"Pwede bang... pwede bang ngumiti ka na? Mas maganda ka kung ita-try mong ngumiti." 

Pag katapos noon bigla s'yang tumakbo pabalik sa mga ka-team niya.  Naririnig kong kinakantyawan siya ng mga kasama niya. 

" Whooo! Ayos bata!" sigaw nila rito.

Naiwan akong nakatulala sa inuupuan ko. Pakiramdam ko, para akong kamatis na pulang-pula. Tengene, nemen kese! Akala ko kung ano na, iyon pala babanat lang ng kilig moments! Aba't sige, sinong hindi kikiligin sa ginawa niya?

Doon nga nagsimula ang lahat. Lagi na kaming magkatext, sinusundo niya 'ko sa classroom ko, sabay kapag break time at lagi akong may rose sa kanya, hatid sundo sa bahay. Hindi ba, ang sarap ng feeling kapag may manliligaw. Kill me now! Please!

Last day of Finals...

That day, noong pumunta ako sa Gym para manuod 'raw' ng laban nila. Nabigla ako sa nakita at nadatnan ko. Puno ng petals of red roses ang buong ground floor, pagkatapos ay nasa gitna siya habang may hawak na isa pang pulang rosas. Habang papalapit ako ng palapit sa kanya, kita ko ang kasiyahan sa awra at mukha niya. At hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko lalo pa ng unti-unti siyang lumuhod.

"Kahit maikling panahon palang ang lumipas simula noong mag kakilala tayo. Kahit 'di pa 'ko nakakafirst base — nakakahalik sa'yo. Ang  bayan korny na!" sabay ngisi niya na para bang hiyang-hiya sa ginagawa niya. Pero agad ring bumalik sa pagkasincere. "Kahit 'di pa kita naaaya sa formal date. Elbeth Perez, will you be my girl?"

Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon