ASKM 3

74.7K 1.6K 57
                                    

Chapter 3

First Time...


"Krung, krung alarm 'to! Alarm 'to! Gising na!" 6:00am, oo na! Nirecord ko ang boses ko. Imba diba? Wala kasi akong ibang maisip na alarm tone, kaya yan ang kinalabasan.

Start of a new day.

Nang bumaba ako sa sala, nadatnan ko si Kuya Third na natutulog pa, mukang nag-inom ito mag-isa buong gabi. You can see those empty cans of Beer everywhere.

It's Tuesday. Sa bahay namin may kanya-kanyang schedule sa gawaing bahay. And yes, it's my turn. Nakakaangat kami pero hindi kami sinanay ng mga magulang namin sa luho at kung anu-anong kaartehan sa buhay. We know how to handle things.

I just cooked breakfast and eat alone. Alas otso ng umaga, dapat nasa School na ako. I make myself ready for School and before I leave, ginising ko muna si Kuya Lex. Mahirap na, baka mamaya sermonan niya nanaman ako dahil hindi ko siya ginising.

Schedule: Tuesday/Thursday

8:00-11:00am - Major Course 3

2:00-5:00 pm - Major Elective 1

5:00-7:00 pm - Major Course 1

It's going to be a tiring day for me. Umaga hanggang gabi ang klase ko. Medyo nakakatakot pa naman din pag gabi. Ang masama pa doon, hindi ko kaklase si Charlie sa last Subject. Nakuha niya na kasi ito Last Semester. So, mag isa akong uuwi.

"Hala! Late na'ko!" nagmamadali akong tumakbo simula sa gate ng School hanggang sa Building namin. Pagkalayo-layo naman kasi, ang bagal pa ng Jeep na nasakyan ko. Dapat sampung minuto lang ang byahe naging dalawampung minuto.

Pleng!

Pag minamalas nga naman, nadulas pa ako sa pagmamadali ko. Buti nalang wala na halos tao dito sa Hallway. Kundi, siguradong mababansagan pa akong tatanga-tanga.

I was about to pick up all my books, nang may biglang kumuha nito at inabot sa akin. Pagtingin ko, Oh, lupa! Kainin mo ulit ako please. Si Suplado Guy ang nasa harapan ko ngayon. He's giving me my books.

"Salamat..." sabay ngiti ko na medyo hindi alam ang gagawin. Wala akong maisip na gawin kaya binalak kong tumalikod na lamang pero agad niya akong napigilan sa paghawak niya sa braso ko.

I just realize na dumadagundong nanaman pala ang tibok ng puso ko. Dahan-dahang lumalapit ang muka niya sakin. Teka! Ayan na siya! I don't really know how to react on that situation, kaya pumikit na lamang ako.

Ilang segundo na pero wala namang siyang ginagawa, kaya nagmulat muli ako. There he was, he's looking at my dirty uniform. Nanigas na ko sa sumunod niyang ginawa. Hinawi niya ang mga buhok ko sa balikat, tapos pinagpag niya ang manggas ng uniporme ko gamit ang panyo niya.

Shocks nakakahiya naman! Siya pa nagpagpag ng damit ko. Ang tanga ko kasi!

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay ang panyong ginamit niya sa pag pagpag.

"Ahh, sa...salamat u..lit." Parang sa oras na iyon, hindi ko kontrolado ang boses ko. Kusa silang nanginginig na parang ayaw nalamang bumigkas ng kahit ano.

Hindi siya umimik, bigla nalang siyang tumalikod at nagsimula ng lumakad.

"T..eka, yung panyo mo." Habol ko.

"Sa'yo na, madumi na 'yan." Blangkong-blangko lang ang ekspresyon ng mukha niya. Ang paraan ng pagtitig niya sa mga mata ko, kakaiba. Parang tagos sa katawan ko. Nangungusap sa bawat pagtitig.

Ang Suplado Kong Manliligaw .℘ᶴᶬ. (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon