Natulala naman ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko may gusto siyang ipahiwatag pero ayaw ko lang tanggapin. Ayoko.

Bumuntong hininga na lang ako.

"Sa tingin ko, natatakot ka eh. Natatakot kang tanggapin ang nararamdaman mo kaya pilit mong pinaniniwalaan yang sarili mo sa maling bagay. Kaya ngayon, todo tanggi ka kahit halata namang nagseselos ka."-dagdag pa niya at saka tuluyan ng inayos ang mga notebook namin.

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Alam kong may punto siya pero kase...ang hirap. Nahihirapan ako sa nararamdaman ko.

"Oh, saan ka pupunta?"-gulat niyang tanong ng mapansing nagmamadali akong ayusin ang mga gamit ko.

"Diyan lang. Magpapahangin lang ako."-tipid kong sagot at nauna ng tumayo.

Nagtataka man ay tumango na lang siya at hinayaan akong umalis.

Sa tingin ko kailangan ko munang mag isip isip. Nalilito ako sa nararamdaman ko at kailangan ko ng timbangin kung sino ang nalalamang sa kanila.

Pagkalabas ko ng library, nagulat ako ng makita si zad sa gilid ng pinto. Nakasandal ito na para bang may hinihintay. Napunta sa akin ang tingin niya. Nginitian niya ako ng malungkot at saka tumayo ng tuwid.

"Zad..."-wala sa sarili kong usal.

"Ahli, can we talk?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Medyo kinabahan ako dahil mukhang alam ko na ang pag uusapan namin. Talagang wala na akong takas. At saka isa pa, kailangan na talaga naming linawin to para mag kaayos na kami. Nami-miss ko na kase ang bestfriend ko at hindi ko kayang hindi kami nagpapansinan ng matagal.

Nginitian ko din siya pabalik at saka tumango.

"Sige."

***

Sabay kaming naupo sa bench. Naisipan naming magtungo sa garden para naman makapag usap kami ng masinsinan. Buti na lang at walang tao. Hindi kami maiistorbo.

Katahimikan ang bumalot sa amin. Wala akong masabi. Nahihiya pa ako dahil alam na niyang mahal ko siya hindi nga lang bilang kaibigan. Yung pagkailang ko, hindi padin nawawala.

Nanatili lang akong nakatingin sa aking sapatos habang pinaglalaruan ito. Hanggang sa marinig ko ang paghinga niya ng malalim.

"I'm sorry."-panimula niya. Saka ko lang siya sinulyapan. Sa malayo siya nakatingin, halatang iniiwasan ang titig ko.

Ewan ko pero parang bigla na lang nawala yung pakiramdam na nakikiliti ako kapag pinagmamasdan siya. Nawala na yung kilig na nararamdaman ko. Nawala na yung pagbilis ng tibok ng puso ko kapag malapit siya sa akin. Parang sa isang iglap, nagbago lahat.

"Zad, wala kang dapat ipag paumanhin. A-ako dapat ang mag so-sorry k-kase ako ang may mali."-halos pabulong kong wika. Napapikit ako ng mariin upang kalmahin ang sarili ko.

Kinakabahan ako sa pag uusap namin.

"I'm at fault too ahli. I shouldn't have said those word to you. Alam kong nasaktan kita and I'm really sorry."-yumuko siya habang pinaglalaruan ang mga daliri niya.

Napabuntong hininga na lang din ako.

"Kasalanan ko. Alam kong sa simula palang kaibigan na talaga ang kaya mong ibigay pero matigas ata ang ulo ko eh. Hindi ko napigilan ang sarili kong m-mahalin ka. Wala kang kasalanan zad. Kung dapat may sisihin dito ay ako. Ako ang umasa, ako ang nagpaka tanga."-paliwanag ko at saka siya nginitian ng malungkot.

Napatitig naman siya sa akin. Bakas sa mukha ang lungkot at pagsisisi.

"K-kaya tatanggapin ko kahit layuan mo ako. Tatanggapin ko kahit talikuran mo ang pagkakaibigan natin."-dagdag ko.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon