Kumunot ang noo ko atsaka sumilip sa cellphone niya. Nakita ko agad ang pangalan ni renzo. Magka text pala sila.

"Oh, naka move on ka na? May bago ka na ata."-taas kilay kong sabi at saka humalukipkip.

Napatingin naman siya sa akin at saka ngumuso.

"Hindi ah. Kinukulit kase ako neto eh."

"Sus, yang palusot mo! Huwag ka ayna. Alam ko yang ngiting yan."-may nanunuring tingin kong sabi.

Lalo siyang ngumuso. "Tsk. Eh kase, ganito..."-lumapit siya ng husto sa akin. Para bang may makakarinig sa sasabihin niya. OA.

"Hindi pa ako sigurado pero ano...mukhang nagugustuhan ko na siya."-bulong niya.

Nakakabingi nga yung bulong niya eh -.- pati ata langgam hindi maririnig yung sinabi niya. Sarap batukan.

"Pano si rondrick?"-napapabuntong hininga kong tanong at lumayo ng konti sa kanya.

Problemado siyang napa face palm.

"Hindi ko alam. Ewan ko kung may nararamdaman pa ako sa kanya. Pero hindi ko talaga mapigilang magustuhan si renzo eh."

"Ewan ko sayo. Bahala ka diyan. Hindi pwedeng wala kang piliin sa kanilang dalawa. Sa huli, kailangan mong mag desisyon."-nagkibit balikat ako at nagpatuloy sa pag lamon.

"Tinatakot mo ba ako?"-bakas sa boses niya na nahihirapan siya. Tsk. Tsk.

"Sinasabi ko lang ang totoo."-depensa ko.

Napasubsob naman siya sa kanyang lamesa. "Eh ikaw ba. Hindi ka ba mahihirapan kapag pinagpili kita?"-kalauna'y tanong niya. Nanatili siyang nakasubsob sa lamesa.

Natigilan naman ako sa pagsubo. Lumingon ako sa kanya.

"Sino namang pipiliin ko?"-tanong ko at sumandal ulit sa likod ng upuan ko.

Inangat niya ang ulo at saka ako tinignan.

"Kung papipiliin kita sinong pipiliin mo. Si zad o...khanz?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Ewan ko pero natulala na lang ako at napaisip.

"B-bakit naman nadamay si khanz dito?"-utal kong tanong at umiwas ng tingin.

Ewan ko pero kumakabog na naman ang dibdib ko.

"Wala naman. Nagtatanong lang naman ako eh."-tipid niyang tugon.

Napalunok ako at nanatiling walang imik.

Di ba dapat si zad ang pipiliin ko? Bakit may parte sa isip ko na nagdadalawang isip na? Ano nang nangyayari sa akin? Nagbago na ba? Bakit ganito ang nararamdam ko?

Mabilis kong pinilig ang ulo ko para mawala ang isiping yun.

"S-syempre...s-si z-zad..."

Pero mukhang labag sa loob kong sabihin yun.

***

Marami ng tao sa quadrangle ng makarating kami. Hindi ko aakalaing, madami palang manonood ngayon. Ngayon ko lang napansin dahil hindi naman ako mahilig sa mga ganito. Lalo na't madaming studyante. Buti na lang at hindi na mainit. Malakas pa ang simoy ng hangin pero kahit ganun, hindi na inalintana ng ilang studyante. Ang gusto lang nila ay ang mapanood ang mga sasali.

"Dun tayo!"-di na ako umangal ng hilahin ako ni ayna sa kung saan.

Nahirapan pa kaming lagpasan ang ilang studyante dahil kanina pa sila nagtititili. Hindi ko namang maikakailang may mga gwapong nag aaral dito sa St. Montris. Karamihan doon ay mga magagaling kumanta kaya hindi na ako magtataka kung halos maglumpasay na ang mga manonood.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat