Prologue

7 0 1
                                    

Someone's POV

Bakasyon na naman. Malamang wala na naman akong gagawin bukod sa maglaro ng mga video games sa aming bahay eh ito ako ngayon naglilibot libot sa aming subdivision gamit ang aking bagong bisekletang pasalubong ni daddy sakin nung umuwi sya galing Maynila. Boring sa bahay kaya mas pinili ko na lamang mamasyal. Bukod sa aming mga kasambahay ako lang naman ang nandun. Busy ang mommy at daddy sa kani-kanilang business trip samantala naman ang magaling kong kapatid na si kuya Alex nandun sa mga barkada nya tumatambay. Di bale parating na rin naman sina Lolo John at Lola Theresa may makakasama na rin naman ako sa bahay.

Ini-enjoy ko lamang ang pagbibisekleta at ang ganda ng paligid ng aming subdivision ng may napansin akong umiiyak na batang babae sa isang sidewalk. Nakita kong sobrang namumula na ang kanyang mga mata at ang kanyang pisnge. Nakahawak ang isa nitong kamay sa tuhod nyang dumudugo at ang isa naman ay sa manikang dala dala nya. Lalagpasan ko na lamang sana ito pero nakita ko rin na nakayapak lamang ito gawa ng ang isang tsinelas nito ay sira. Wala akong nagawa kundi lapitan ko na lamang sya at tanungin kung anong nangyari na kahit obvious namang nadapa ito.

"Ito oh! Ipunas mo jan" sabi ko sa kanya habang inaabot ko ang face towel kong dala na pinadala sakin ni yaya Linda.

Ngunit sa halip na abutin nya ay di nya ako pinansin. Patuloy lamang ito sa pagiyak.

"sige na sayo na to at ipunas mo na jan sa sugat mo. Sige ka mas lalo yang dudugo at may lalabas na uod jan." sabi ko habang nakangiti sa kanya pero sa halip na abutin mas lalo lamang itong umiyak ng mas malakas.

"Waaaaaaah! I hate worms. I hate worms. Mommy! Mommy! I'm scared mommy"  Iyak pa rin nito ng iyak. Kaya naman di ko na hinintay pang kunin nya ang towel at ako na  mismo naglagay nun sa sugat nito. Pinunasan ko ang dumudugo nitong sugat at dun na unti unting tumigil ang pag iyak nya. Kaya tinanong ko sya kung anong nangyari sa kanya.

"Ano nangyari sayo bakit may sugat ka at pati ung tsinelas mo ay nasira" sabi ko

"I got stumbled. Because of Katy's dog." ani nya. "She let her dog run to me and because im afraid of dogs I run so fast and that's why i got these wounds. Even my slippers broke. Now I can't walk na and can't go home". Sabi nya habang humihikbi pa rin mula sa pagiyak.

"Then, where is your house? I can take you there if you want." tanong ko sa kanya

"Over there." sabay turo nya kung san papunta banda ang kanilang bahay. "But still I can't go home. I can't walk like this."

"Ha? Bakit sobrang sakit ba ng tuhod mo? Tatawag nalang ako ng mga guards para matulungan ka nila" sabi ko sa kanya na may pagtataka.

"No! Don't call anyone please. I can't walk without slippers because my yaya might get mad at me. Isusumbong nya ako kay mommy pag nakita nyang dirty ang feet ko." Umiiyak na naman nyang sabi.

Kitang kita ko sa kanya mga mata yung takot nyang isumbong sya sa kanyang mommy. Nakakatawa naman tong batang to. Mas pipiliin nyang manatili dito sa kinauupuan kesa umuwi ng kanilang bahay at baka ay mapagalitan sya.

"Okay. Then I'll take you there." sabi ko

"Ha? Where?"

"At your house. I'll go with you." sabi ko sa kanya

"But I cant walk like this. I dont have slip-"

"You can wear mine." Putol ko sa pagsasalita nya. Agad kong pinasuot sa kanya ang aking mga tsinelas. At nakita kong nag ningning ang kanyang mga mata sa ginawa kong yun.

"But how about you? Walang kang gagamitin" pagaalalang sabi nya.

"Im okay! Di naman ako papagalitan samin pag umuwi akong madumi ang paa ko. Hehehe" natatawa kong sabi sa kanya.

Unintentionally to be YoursWhere stories live. Discover now