Prologue

2 0 0
                                        

Nasubukan mo na bang magsinungaling? Kung ako kase ang tatanungin ay oo ang isasagot ko. Nagsinungaling na ako, hindi lang isa, dalawa o tatlo, milyun milyong beses na. Hindi lang sa mga magulang ko, sa mga itinuring kong kaibigan kundi pati narin sa sarili ko.

Nakakatawa 'no? Pati sa sarili ko nagsisinungaling ako.

Reason ko? Simple lang, dahil gusto kong mapagtakpan ang mga kalokohan ko. Dahil natatakot ako na baka kapag sinabi ko ang totoo magalit lang sila sa' kin, baka layuan at kamuhian nila ako. And most especially, maybe because the only man that i've trusted in my entire life made me see his bullshits. Ang hari ng kasinungalingan.

Habang pinagmamasdan ko ang kalangitan hindi ko maiwasang malungkot. Ang bituin at buwan ang nakakapagtanggal ng lungkot ko pero sa oras na 'to, nababalot ang kalangitan ng ulap.

Ni minsan ba sa buhay niyo naranasan niyo ng ma-blackmail ng kapatid niyo? O 'di kaya' y pinsan? Kase mga bro, simula ata nang magkaroon ako ng muang sa mundong ito lagi na ako pinagttripan ng ate ako. Oo, may ate ako, pangalawa ako sa tatlong magkakapatid. Middle child sucks, right? Kaway-kaway sa mga tulad kong kawawa! Hahahaha.

Hiniram ko 'yong selpon ng ate ko dahil wala akong data pang online. Nung mga panahon na'to ay hindi pa ganoon ka high tech. Hindi pa uso noon ang wifi. Mayaman ka na kapag may desktop kang windows 8, lalo na kung may iPhone ka.

Nag-online ako sa browser niya at inopen ang facebook ko. Pasikreto akong nakikipag chat sa kaharutan ko. Hahaha ang landi ko 'no? 2nd year high school palang ako noon pero namulat na ako sa mga kung ano-anong kaharutan.

"Hoy, Selene alis ka na dyan sa kwarto at magbibihis ako." ani ate kaya agad kong tinago iyong hawak kong selpon. Alam niyang hiniram ko 'yong phone niya pero natatakot na akong maglabas ng phone lalo na kapag papa ko ang kasama ko. Sa kadahilanang may ka-chat ako.

"Akin na yung selpon ko,' wag mong dadalhin." anito kaya naman inilapag ko na yung selpon niya sa ibabaw nung drawer ko. Ang mahiwaga niyang selpon na iPhone 5, na pinagipunan niya ng buong summer para lang makabili nito.

Iisa lang ang kwarto namin kaya naman wala akong nagawa kaya umalis nalang at magpunta sa banyo para maligo.

Pagtapos ko ay gulat ko nalang nang biglang nasa pintuan 'yong ate ko na may nakalolokong ngiti. "Selene," bigla akong kinabahan dahil sa pagtawag niya sa akin. May bahid ng pagkaseryoso. "Ano' to?" dugtong nito nang makapasok kami pareho sa kwarto at pinakita niya sa akin iyong notification bar niya. "Sino 'to?" ulit niya pa.

Kumakabog na nang malakas 'yong pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Naglalaban ang puso' t utak ko sa pagkakataong ito.

"A-ano kaibigan ko lang 'yan." mautal-utal kong pagsagot. Hindi ako makatingin ng maayos sa mga mata niya at isa lang ang dahilan kung sakaling mapapansin niya, na sana naman ay hindi, malalaman niyang nagsisinungaling ako.

"Weh? Bakit may 'I love you' pa kung kaibigan mo lang?" shit naman. Bakit ba nalimutan kong i-log out accoubt ko? Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ko. Okay wala akong magagawa kung magsisinungaling pa ako. "Okay, nanliligaw yan sakin pero 'diko gusto."

Mula nung insidenteng 'yon, sa tuwing magaaway kami, pasimple niya akong nilalaglag sa mga magulang ko. Madalas pag may gusto siyang makuha, inuutusan ako na parang alalay. Naku, isa yan sa mga gagawin niyang alas pang blackmail sakin mapasunod lang ako sa mga gusto niya. Kaya mula noon, pinili ko narin na magsinungaling at magtago nang mga bagay-bagay sa kanila. Lalo na sa maldita kong ate.

Kung hindi niyo kase maitatanong, strict at conservative ang angkan ko. Ayan angkan na hindi lang parent, hindi ko rin alam ang dahilan pero mas gusto nilang makapagtapos muna kami ng kolehiyo bago lumandi. Sino nga naman 'diba ang magulang na gugustuhing mabuntis ang kanyang anak ng hindi pa nakakapagtapos. Wala. Wala ring magulang na gugustuhing masira o di kaya' y mawalan ng kinabukasan ang kanyang anak. So I understand them in that part. Ang gusto ko lang na mapayagan ako ay ang mag overnight, sa labing pitong taon ko sa mundong ito ay hindi pa ako nakakapag overnight sa bahay ng mga kaibigan ko. Kaya naman isa yan sa mga hinihiling ko na sana matupad.

Kaya dahil sa sobrang strict ng parents ko, may mga napalaki silang anak na bad girls. Well, siguro dahil na-adopt din namin 'yung mga ugali nila kaya ganito ang resulta. Mga anak na nagrerebelde, naglilihim, nagsisinungaling, bastos, tamad at walang pakinabang.

 Mga anak na nagrerebelde, naglilihim, nagsisinungaling, bastos, tamad at walang pakinabang

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ako si Maria Alexandria Selene D. Ramento, and welcome to my life.

A life where lies are inevitable.

A life where lies are habituated.

A life where lies are irreversible.

It is Her Life Full of Lies.

Her Life Full of LiesStories to obsess over. Discover now