Chapter 14

985 22 6
                                    

With a small smile, I closed my eyes and drove off to sleep.

Again I found myself in an empty place again. Sinigaw ko ng sinigaw ang pangalan ni Sami.

"Mag-isa uli? Kailan ka ba magpapakita? I miss you so damn much. Kahit dito lang, gusto lang kitang maramdaman." Napaluhod na ako dahil sa sobrang kadesperaduhan ko.

Napalunok ako nang makarinig ng yabag. Agad akong napalingon and there I saw Sami, wearing a beautiful white dress.

Ngumiti siya sa'kin at hindi ko napigilan ang sarili ko na tumakbo patungo sakan'ya at yakapin siya.

"D-mn Sami. I miss you damn much." I don't care if she sees me crying. All I want is her. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa na maya-maya'y naging hikbi.

Agad akong bumitaw sa yakap at hinawakan ang mukha niya.

"What's wrong? Aren't you happy to see me? Matagal ko na 'tong hinihiling." wika ko.

"Masaya akong nagkita tayo. Okay? Sobrang saya." aniya at ngumiti sa'kin.

"Pero." agad na nangunot ang noo ko. Malungkot siyang ngumiti at hinawakan ang mukha ko.

"Kailangan mo na kong pakawalan." bumagsak ang balikat ko saka nag-uunahang lumandas ang luha ko.

"B-Bakit naman?" pinalis niya ang luha ko.

"Sshhh. Gusto mo bang laging gan'to? Sa panaginip lang? Hindi na ako totoo Edward. Bunga nalang ako ng isip mo. Hindi mo ako mayayakap ng totoo." paliwanag niya.

"Pwede na sa'kin ang gan'to basta nakakasama kita." agad na tugon ko. Umiling siya at naluluha akong tinignan. Tinarak ang puso ko, nasaktan ko siya.

"Hindi mo ko naiintindihan. Hindi pwedeng habang buhay na ganito Edward, tao ka, kaluluwa nalang ako. Panaginip 'to. Hindi totoo." tila gripong walang tigil na nagsisidaluyan ang luha ko.

Huminga ako ng malalim.

"Anong gusto mong gawin ko?" Tanong ko. Malungkot siyang ngumiti.

"Pakawalan mo ko. Hindi pa ito ang tamang oras para sa'tin Edward pero pangako. Hihintayin kita." aniya at hinalikan ako. Pumikit ako at sinulit ang nalalabing oras na kasama ko siya.

"Mahal na mahal kita Sami." wika ko. Ngumiti lang siya tyaka unti-unting naglaho sa harapan ko.

------

DONT STEAL MY WORKS UNLESS YOU HAVE MY PERMISSION.

-paalala lang po ang writer ng storyang ito ay ako lamang po.
-i hope u enjoy reading this story


UNEXPECTED FEELINGSTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang