Chapter 8

1K 20 3
                                    

Weeks passed at gan'on lagi ang nangyayari kapag nasa panaginip ako. I always visit Edward at nakilala ko na din ang magulang niya. They're confused kung bakit kilala ko ang anak nila at gustuhin ko mang sabihin kung paano ay alam kong hindi sila maniniwala.

My body is also getting weaker according to my doctor. Marami na ang naaapektuhan ng narcolepsy sa katawan ko.

I sleep longer now. Gising ang diwa ko ngayon at nakaratay na ako sa wheel chair dahil sobrang hina na ng mga buto ko para maglakad pa.

"Kian, kay Edward tayo." tumango sa'kin ang kapatid ko. Siya lang ang tanging pinagkukwentuhan ko ng lahat ng nangyayari sa'kin.

Nang makarating ako do'n ay nagulat ako ng makita ang buong pamilya niya. Bigla akon nahiya ngunit nginitian nila ako.

"Ikaw pala hija." nakangiting tawag ng mama niya sa'kin. Ngumiti ako at kiming tumango.

Maya-maya pa'y nakaramdam ako ng pagkahilo.

Unti-unti ay bigla akong nakaramdam ng sobrang sakit at naramdaman ko nalang ang paghina ng pintig ng puso ko bago tuluyang pumikit ang mga mata ko.

----

DONT STEAL MY WORKS UNLESS YOU HAVE MY PERMISSION.

-paalala lang po ang writer ng storyang ito ay ako lamang po.
-i hope u enjoy reading this story

UNEXPECTED FEELINGSWhere stories live. Discover now