TTCP 7

5 0 0
                                    

Tuluyan na akong naabutan ng umaga. Monday na naman.

Haaayy.

Nakakapagod din mag-aral eh no?

Ginising ko na si Maw para hindi kami ma-late.

Sabay naman kaming pumasok nung araw na yun.

Nasa gate pa lang kami, pinagtitinginan na kami ng mga babae. Siguro yun ang laging nangyayari sa twing magkasama kami pero di ko lang namamalayan. Pero ngayon, ramdam ko na.

Ramdam na ramdam ko na.

Ang awkward. Nakakailang. Argh.

Ganito na ba talaga ang tinginan ng mga tao sa amin dati pa? Kulang na lang, kainin nila ako ng buhay.

''S-sige Maw, una na ako.'' Sabi ko sakanya at inunahan syang maglakad.

Mukha kaming zombie pareho. Maikli lang kasi yung tulog nya habang wala talaga akong tulog.

Nagtawanan lang kami ng nakita namin ang isa't isa.

After nung klase namin, umuwi na agad ako. Nalaman ko kasing may practice na naman sina Maw.

Ewan ko ba, eh tapos na naman yung contest. Nanalo na sila diba? Tsss.

Sabahin mo, gusto mo lang makasama si Nicole. Pero diba nga, ayaw mo sa kanya? Ang gulo ha.

Gabi na nung umuwi si Maw. Hindi ko lang talaga alam kung anong nangyari at ang parang ang saya saya nya.

''Hoy, anong nangyari sa'yo? May bago ka nang girlfriend?" sarcastic ko namang sinabi sa kanya

Hindi lang sya sumagot ng kahit ano. Ngumiti lang sya at damang dama mo na masaya talaga sya.

Ewan ko ba dun, baka naka-drugs.

Nasa kwarto na ako nun at nagbabasa ng libro. May exam kasi kami bukas nang bigla lang may kumatok.. for the first time.

''Pasok.''

''Ano bang ginagawa mo?''

''Nag-aaral. Pwede ka nang umalis.'' Sama ko rin eh noh.

''Ayoko nga. Sya nga pala, magkaka-album na kami.''

''Talaga?! Ah. Kaya pala panay ang practice nyo.''

''Tapos na kaming mag-record ng mga kanta. Photoshoot naman kasunod tapos magshoshoot kami nung mga MV and then pwede nang i-release.''

''Naks naman. Bigyan moko ng album nyo ha. Lagyan mo na rin ng autograph.''

''Oo naman. Sya nga pala, bukas na yung photoshoot. Ano? Sama ka?''

''May pasok ako eh, may exam pa kaya di pwede.''

''3pm naman magsstart. Pwede kang humabol after class.''

''Sige, titingnan ko. Congrats nga pala.''

Tapos ngumiti naman ako sa kanya. Gagayahin ko sana ang nakakabaliw nyang ngiti kaya lang di ko kaya.

Sya lang talaga ang nakakagawa nun.

The next day, yun na nga at humabol ako sa photoshoot nila.

Kinukunan si Maw ng solo picture nang dumating ako.

Grabe, sobrang cool nya. Nakablack and white attire sya. Pati na rin yung ibang kabanda nya na nakaupo sa may table.

Nandun din nga pala si Nicole. Sya kasi yung lead vocalist nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Thing Called Pagibig [ON GOING]Where stories live. Discover now