TTCP 4

4 0 0
                                    

Pagdating namin sa bahay, tulala pa rin ako. Ngayon pa lang nag sink in sakin ang lahat. How cruel can love be? Kaya si Maw tuloy ang napagbuntungan ko ng galit.


"HOY! Bakit mo naman ako sinukahan?!'' Galit na galit kong sabi.


Aba. Syempre kahit niloko nila akong dalawa, importante parin yun sakin dahil bigay yun ni Ryu.


"Sinasaktan mo lang sarili mo."


Mahina lang yung pagkasabi nya sa last sentence pero narinig ko pa rin.


"Anong sabi mo?''


Syempre, kunwari hindi narinig.


"Matutulog na ako! Ang sakit ng ulo ko!"


Asus. Kunwari pa to. Teka, alam kaya nya na ex ko si Ryuki?


Nabanggit kaya yun ni Aicy?


Whatever, eh ano naman kung alam nya. Tch.

Sa school nga pala, minsan lang kami magkita ni Maw. Iba naman kasi yung course namin, Music and Arts sya ako naman HRM, tsaka araw araw pa yung practice nila sa basketball.


May banda pa sya kasama yung mga classmates nya nung high school. Sya yung lead guitarist. Super galing nya mag guitar, tuwing nagpapractice sya sa bahay, napapanganga talaga ako.


Kalimitan sa mga tinutugtug nila ay yung mga rock songs. Yung may pa sway sway ng buhok na parang model ng shampoo. Yung hair nya, okay lang naman yung taas. Sakto lang para magmukha syang tao.


Sikat na sikat sya lalo na sa mga babae kasi nga gwapo naman talaga sya.


Okay na sana sya eh, kung di lang sa mga manyak na hirit nya. Kitang kita ang pagka playboy nya.


At dahil sila na ni Aicy at Ryu, forever alone na tuloy ako. Wala na akong kasama kumain ng lunch, umuwi sa bahay at kumain sa labas. Kung sasama kasi ako sa kanila, baka ano pa ang magawa ko.


"Maw!"


Nabigla naman ako ng may gumulo sa buhok at tumawag sakin mula sa likod.


''Ano ba! Wag mong guluhin buhok ko! Upakan kita dyan eh!'' Sabi ko. Kahit kelan talaga, nakakabadtrip to.


''Ito naman. Parang anong ganda naman ng buhok mo na ayaw mong ipahawak."

"Che! Ano bang ginagawa mo dito?''

''Wala akong kasamang kumain eh. Sabay na lang tayo.''

''Ang daming babaeng gustong makasabay sayo oh. Dun ka nalang mag-aaral pa ako. May exam kami mamaya.''


Hindi talaga nakinig ang gagong yun. Nagsimula na syang kumain kaya wala na akong nagawa. Pagkatapos kong kumain, nag-aral na ako syempre. Sya, hindi pa tapos kasi ang dami nyang binili.


"OMG, Sino sya? Bakit kasama nya si Stibb maglunch? Ew, she's a nerd! Argh.''


''Oo nga, siguro katulong ni Baby Stibb ko tapos sya ang gumagawa ng assignment nya."


"Right. Mukha ngang katulong."


Dafuck?!


Bulungan pa ba yan? Eh, dinig na dinig ko eh.


Pigilan nyo ko, papatulan ko na talaga to.


Nakapikit lang ako sa galit ng na-feel ko na parang may nag kiss sa noo ko at gumulo ulit ng buhok ko sabay sabi.


That Thing Called Pagibig [ON GOING]Where stories live. Discover now