Chapter-1

13 0 0
                                    

Daniel Lee Pov,

Nakalis na siya . Nakaalis na ang kaibigan ko papuntang States. 3 linggo na simula noong umalis siya .

Pinagsisihan kong hindi ko inamin na may gusto ako sa kanya sa tinatagal tagal ng panahon.

Nakasakay ako ngayon sa isang tricycle dahil papauwi na ako sa bahay .Galing akong SuperMarket .

Nagtitipa ako sa aking telepono ,dahil aking paanyayahan ang aking magulang na pauwi na ako ngunit.

*bogs'*!!!!!

Malakas ang aking pagkakauntog.Nakakita ako ng dugo sa aking ulo ,at ako na ay nahilo .May isang van na mabilis magpatakbo ang bumangga sa tricycle na sinasakyan ko.

Bago pumikit ang aking mata ,narinig ko na ang tunog ng ambulansiya at naramdaman ko ng ako'y binubuhat .

Sa sandaling iyon ,isa lang ang taong nasa isip ko . Dev'
At tuluyan ng nagdilim ang aking paningin.

'Doc,kamusta na po ang aking anak ?'

'Mrs. Lee ,masyadong malakas ang pagkakabangga ng van sa sinasakyan nilang tricycle at malakas ang impact nito sa ulo ng iyong anak'

'Hmmm.  ' Ang nararamdaman ko lang ngayon ay sobrang sakit ng ulo ko .

'Daniel,anak . Kamusta na ang pakiramdam mo?'

'Ma, anong nangyari sa akin ? Nasaan ako?'

'Nasa Hospital ka anak,Binunggo ng van ang sinasakyan niyong tricycle .'

Napapikit na lamang ako dahit sumasakit ang ulo ko.Ng pagmulat ng mata ko ,nakita ko si mama na may kinakalikot sa kanyang bag .At pagkaraan ng ilang minuto .Naglabas siya ng isang litrato .

'Anak? Kilala mo ba siya ?'

Habang pinapakita sa akin ang litrato ng isang babae.

'Sino po ba siya ma?' hindi ko mamukhaan ang babae na nasa litrato

'Anak,kaibigan mo siya. Hindi mo ba siya natatandaan?'

Umiling lamang ako ,dahil hindi ko kilala ang nasa litrato.

'Doc,bakit ganun? Hindi  niya maalala'

'Sino ba yan ma?' tanong ko sa mama ko

'Anak,mahalaga siya sayo . Kaibigan mo siya simula pagkabata ' kumunot ang aking noo dahil hindi ko matandaan .

'Mrs. Lee,sa pinakita po ninyo ay hindi po niya mamukhaan ,maari pong mayroon siyang Selective Amnesia na kung saan kayo'y natatandaan niya pero ang ibang nakakakilala sa kanya ay hindi niya maalala'

Selective a-mnesia?

'kung ganoon ma ,asan siya?' tanong ko sa aking mama

'Wala siya dito ngayon anak ,nasa ibang bansa siya para mag-aral,kunin mo itong litrato anak ,dalhin mo iyan palagi .Mahalaga ka din para sa kanya '

Nanahimik na lamang ako at kinuha ang litrato ng isang babaeng ,hindi ko matandaan.

'Devi's Pov'

Nakatanaw ako dito sa bintana ng aking kwarto ,umuulan ngayon dito sa states.

It's been 6 years ,

Madami ng nagbago ,Tapos na akong mag-aral at may trabaho na rin ako.Natupad ko na ang pangarap kong maging Fashion Designer .Tinatangkilik ang aking mga gawang damit .Ako ang namamahala sa kumpanya namin dito sa States . 'Dev's Company' isang clothing line company.

My Childhood SweetheartWhere stories live. Discover now