Akdang isinulat ng isang Manunulat

113 10 0
                                        

WARNING: ERRORS A HEAD
••••••

Tahimik akong nakaupo sa isang bench dito sa park. Patuloy akong nagmamasaid sa paligid, naghahanap ako ng inspirasyon para sa sinusulat kong istorya.
Halos dalawang oras na ako dito ngunit wala pa akong nasisimulan!
Inis na pinatay ko ang aking hawak na cellphone at napasabunot sa sarili na tila nababaliw.

"Naloloka na ako" bulong ko sa sarili. Tumayo ako mula sa'king kinauupuan. Nagugutom na ako kaya napagdesisyunan kong pumunta sa malapit na fast food chain.

Mabuti hindi gaano karami ang tao kaya mabilis akong nakabili ng aking makakain at nakahanap ng mauupuan. Habang kumakain, hindi ko maiwasang mapatingin sa matanda na nasa labas, namamalimos ito ngunit hindi man lang sya binibigyan pansin ng mga taong nakakakita sa kanya. Napabuntong hininga nalamang ako at muling pinagpapatuloy ang pagkain.

Nakakailang subo pa lamang ako ng biglang may pumasok na ideya na tutugma sa aking akdang sinusulat. Dalidali kong kinuha ang aking cellphone at mabilis na nagtipa.

Nakangiti kong pinatay ang hawak kong cellphone, mabilis ko kasing nakalahati ang akdang kahapon ko pa sinisimulan. Mabilis kong niligpit ang gamit ko at tumayo sa'king kinauupuan, tapos narin naman akong kumain kaya wala ng dahilan na ako'y magtagal pa.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasan ikumpara ang isinulat kong akda sa nangyayari ngayon sa paligid. Tamang tama ang isinulat ko sa napapanahong isyu. Naging pokus ang akda ko sa mga nangyayari sa mundo. Isa narito ang nangyaring sunog sa Brazil, ang pagkasunog ng Amazon Forest. Ang tema kasi ng aking akda ay ukol sa mundo. Napatigil ako sa paglalakad dahil sa kabang aking naramdaman. Hindi ko alam kung bakit. Dalidali kong kinuha ang aking cellphone at binuksan ang bible app. Binasa ko ang Pahayag 8:6-9:19 Ang salita ng Diyos.

Takot at kaba ang bumalot sa'king katawan ng mabasa ko ang nakasulat. Tumutukoy ito sa mga maaring mangyari sa mundo--sa madaling salita ang pagkagunaw ng mundo. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba.

Mabilis kong tinipa ang mga ideyang pumasok sa'king isipan, naglalaman ito ng mga iba't ibang pangyayari na maaari palamang mangyari sa ating mundo. Habang ako'y nagtitipa naramdaman ko ang paggalaw ng lupa, narinig ko ang mga sigawan ng mga tao. Hindi ko alam ang aking gagawin kaya't tamakbo lamang ako ng tumakbo. Nakaramdam ako ng kaba habang tumatakbo, pumasok saking isipan ang isinulat kong akda. Hindi, hindi maaari!

"AHHHH!"

"TULONG!"

"TULUNGAN NIYO AKO!" napatakip ako saking tainga dahil sa labis na ingay. Napahawak ako sa'king dibdib ng may narinig na pagsabog. Napatingin ako sa kalangitan, gulat ang mababakas sa'king mukha hindi ako makapaniwalang may mga batong nababalot ng apoy ang sabay sabay na bumabagsak mula sa kalangitan.

"TULUNGAN NIYO PO AKO! MAMA! PAPA!" Napatigil ako sa pagtakbo ng may narinig akong umiiyak na bata. Nagpaikot ikot ako upang hanapin ang bata at hindi naman ako nabigo. Nasa gilid ito ng isang mataas na gusali. Hindi ako nagdalawang isip na tumakbo, nais kong tulungan ang bata kahit na buhay ko man ang kapalit. Patuloy ako sa pagtakbo kahit na nababangga na ako ng mga taong takot na takot at nagmamadali upang sila'y makaligtas.

"BATA!" Mabilis kong hinatak at binuhat ang bata.
Muli akong tumakbo kahit na nahihirapan.

"Ligtas ka na" malumanay kong sambit na ikinatigil nito sa pagiyak.

" Ako si ate chie at ikaw?” hinihingal na tanong ko rito.

"Lala po" mahinang sabi nito bago pinunasan ang luha sa kanyang pisnge.

Tumango nalamang ako bilang sagot. Ibinaba ko ang bata at muling pinagpatuloy ang pagtakbo kasama siya. Kahit hingal na hingal ay hindi kami tumigil sa pagtakbo.

"ARAY!" Napahawak ako sa'king tuhod ng may maramdaman akong hapdi dahil sa pagkakadapa.

"Ate chie ayos ka lang po ba?" Tanong sakin ng batang aking iniligtas. Pilit ako nitong tinutulingang tumayo ngunit hindi ko magawa dahil sa labis na hapdi ng aking sugat. Kung tutuusin ay kaya ko pang makatayo dahil hindi naman gaano kalalim ang sugat ko ngunit bigla akong nanghina sa hindi malamang dahilan.

"Tumakbo ka na, iligtas mo na ang sarili mo"

"Pero ate--"

"Tumakbo ka na" nakayuko kong sambit dito. Narinig ko naman ang pagtakbo nito kaya't nakahinga ako ng maluwag.

Ilang beses kong pinilit tumayo ngunit hindi ko kaya, tila'y may pwersang humahatak sakin. Nararamdaman kong unti unti akong naghihina dahil narin sa labis na pagod. Bumibigat ang talukap ng aking mga mata. Isang pagsabog ang aking narinig bago ako mawalan ng malay.

Hingal na hingal akong napaupo sa'king higaan. Naramdaman ko ang pagtulo ng pawis mula sa aking noo. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa labis na kaba. Anong nangyari? Bakit gano'n ang napanaginip ko?

"Hindi kaya---" napahawak ako sa'king dibdib dahil sa labis na kaba. Naramdaman ko ang pag yanig ng lupa kaya't dalidali akong tumayo at sumilip sa bintana.

Mga nagtatakbuhang tao ang bumungad sakin, mga umiiyak at mga humihingi ng saklolo. Ang mga sasakyan ay nagbanggaan. Ang kalsada'y bitak bitak na.

Hindi kaya..

"Ang akdang aking isinulat ay nagpapahiwatig na malapit na nga ang katapusan".

••••
Thank you for reading. Sorry for grammatical and typographical errors.

PAHINAStories to obsess over. Discover now