Get Inside 16

5.6K 124 5
                                    

Hello therhieneo7 salamat sa comment kahit isa lang naappreciate ko padin ❤ Mwaaaa :*

Tinatamad akong magUD pero dahil saknya ginanahan ako. So ito na..

------

"DAVE'S POV"

Tinext ako ni Precious sabi niya kung pwede daw bang patuluyin ko muna si Trisha sa unit ko. I said Yes. Pero bakit nandun sya at kailangan nya ng matutuluyan? Thoughts came out in my mind. Siguro may problem between sakanya at kay Carl? Sana nga.

Tinext niya saakin ang address ng condo niya at ang room niya din syiempre. I started to engine up my BMW and went through my princess. I miss her so much.

Nasa pinto na ako, ayaw kong magdoorbell, so tinext ko si Precious na nandito na ako.

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko silang dalawa. Napanganga si Trisha. Halatang mugto yung mata niya, parang kakagaling lang sa matinding iyakan. Pero maganda parin siya, anghel sa ganda. Mga 10 segundo din kaming nagkatitigan.

"Ahem! Ano magtititigan na lang ba kayo?"

"B-bakit ka nandito?" nauutal na sabi niya.

"Susunduin kita.. Doon ka na muna sa unit ko" sabi ko sabay ngiti.

"Sige Dave.. Ingatan mo bestfriend ko ah.. sabi ni Precious. Tas tinulak niya na si Trisha, nagbabye at sinara na ang pinto.

"Ah ano tara na hehe" deretso lang siya ng lakad. Bakit parang naiilang siya?

Tinungo na namin ang parking lot. Pinagbuksan ko siya ng pinto at tumango siya, sign na nagtethank you siya. Pinaharurot ko na ang sasakyan ko papunta sa condo.

-----

"Trisha.. Anong gusto mong food for dinner?"

"Ah kahit ano na lang hehe"

Kanina pa siya ganyan, tawa ng tawa pero halatang peke naman. Tulala na naman siya habang nakaupo sa sofa. Kung kelan ko lang siya kakausapin doon lang siya magsasalita. Tas pagkatapos nun tahimik na naman siya. Nakakapanibago, hindi ako sanay, hindi ito ang Trisha na kilala ko.

Pinagluto ko nalang siya ng paborito niya, sinigang na baboy. I studied culinary arts kaya marunong akong magluto. And nakapagpatayo na ako ng isang restaurant near sa Alabang.

Noong matapos na inaya ko na syang kumaen, tanging tunog lang ng kutsara at tinidor ang maririnig sa paligid. Nakatulala padin siya habang kumakaen. Hindi ko na lang siya kinulit, kumaen kami hanggang sa maubos yung niluto ko.

Siya na din ang nagligpit ng pinagkainan, sabi ko nga ako nalang pero mapilit siya kaya hinyaan ko nalang.

Habang hinhintay ko siya, nakaidlip ako.

"Dave! Dave! A-aray!"

Nagising ako sa sigaw niya dalidali akong pumunta sa CR, nakahandusay sya sa sahig ng banyo. Kung itatanong nyo kung hubad siya, oo tama kayo, pero hindi yun ang concern ko. Kinuha ko agad ang towel at tinakip sa katawan niya sabay buhat sakanya papunta sa kama. Umupo ako, siya naman nakaupo sa lap ko.

"Ano bang nangyari Trish?"

"N-nadulas kasi ako, h-hindi ko nakita yung s-sabon sa sahig kaya nadulas a-ako A-ARAY!!" umiiyak na siya.

"B-bat kasi ang tanga ko!! Ang tanga tanga ko Dave!!" sinabunutan niya ang buhok niya.

"Sshhh.. hindi ka tanga Trisha.. Please wag ka ng umiyak.." sabi ko sabay punas ng luha niya gamit ang hinlalaki ko.

"S-siguro masarap yung l-labi nung bitch na Ayesha na yun at s-sarap na sarap siya"

Hindi ko siya naiintindihan pero niyakap ko nalang siya alam kong kailangan niya yun. Ramdam ko na basa na ang polo ko, dahil yun sa luha niya.

Get Inside Of Me. (ON - H O L D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon