Get Inside 15

5.8K 100 1
                                    

"TRISHA'S POV"

Hindi ko alam kung tama ba tong gagawin ko. Sobrang depressed ako since na napanuod ko yung lintek na video or should i say scandal na yun. Dont get me wrong, galit ang nararamdaman ko hindi selos. Im not jealous. And i will never be.

Inimpake ko na ang gamit ko, its final, doon muna ako titira kila Precious, my bestfriend.

I need space, nasaktan ako sa napanuod ko, siguro kasi kinareer ko na ang pagiging asawa kay Carl, na dapat hindi ko na ginawa. Umasa akong mawawala ang pagiging cassanova niya. Sabi nga nila, a cassanova will always be a cassanova. Well, kung nagawa niyang makipaghalikan sa iba, im pretty sure na kayang kaya ko din. Sweet revenge.

----------------------

"Giiiiiirrrrrrrlllll!!!!! Namiss kitaaaaaaaaaa!" niyakap niya ako ng mahigpit, as in sobrang higpit. Aishhhhh,namiss ko ang bessy ko. Pagkatapos kasi ng wedding namin, ni hindi na kami nagkikita.

"Imissyoutoo bitch!" sabay beso. Normal na samin to, hindi kami masyadong sweet sa isat-isa na nagsasabi ng mga sweet words, ang baduy kasi, ang normal saamin ay maglaitan, murahan, at magsapakan. HAHAHA.

Umupo ako sa couch, tas tinaas ang dalawang paa sa glass table niya.

"Paki buhat nga yung mga gamit ko. Ayy, saan nga pala ang kwarto ko?"

Sinasabi ko yan habang hinahanap yung remote ng flatscreen tv niya. Bossy diba? Hahaha.

"Eh bakit ka ba nandito bakla?" tanong niya. Tas kwinento ko lahat lahat.

"Girl, dapat kinausap mo muna siya, mag-asawa na kayo, wag kang magpadalosdalos sa desisyon mo at bawal ka dito, pupunta si Stephen dito. Magagalit yun for sure, hindi namin magagawa.."

"Pagiisipan ko, pero ayaw ko padin siyang makita. Naaalala ko lang yung halikan moment nila. At ang alin ang hindi magagawa aber?"

"Mag-sex.. Its our sex day, every month lang namin yun ginagawa. Kaya please lang girl, wag ka muna dito.."

"Edi magHotel kayo." kaswal na sabi ko.

"Eewww, cheap, mas gusto niya dito sa unit ko."

"Fine.. eh saan mo naman ako itatapon?!"

"Ako na bahala don.." sabi niya sabay kindat. Hindi ko gusto yung kindat niya, may binabalak na naman to.

Nanuod na lang ako at inubos lahat ng chichirya niya sa ref. at nilantakan ko din yung 2 gallon ng ice cream niya. Gutom pa nga ako kainis. Parang gusto ko ng mangga.

"Girl! May mangga ka ba?"

"Wala!" sigaw niya. Napabusangot nalang ako.

"Hoy! Tara na!" kinaladkad niya ako papunta sa pintuan. Ang bait niya no?

Binuksan niya na yung pinto. At nagulat ako sa nakita ko. Namiss ko tong lalaking to. Yung mukha niya, yung perfect niyang ilong, yung tindig niya na lalaking lalaki, at yung nakakamatay niya ngiti.

"Ahem! Ano,magtititigan na lang ba kayo?" sabi ng bruha.

"B-bakit ka nandito?" nauutal na sabi ko. Nakakahiya.

"Susunduin kita.. Doon ka na muna sa condo ko." tas ngumiti nanaman siya, shit lang malulusaw na ako sa ngiti niya. Sino ba naman ang hindi?

"Sige Dave.. Ingatan mo bestfriend ko ah.." sabi ni Precious.

Tama ba to?

=============END OF CHAPTER 15============

Sorry sa sabaw na UD. Naka5 votes ako sa chapter14 kaya nagUD ako. Salamat sa mga nagvote :)))))

5 Comments naman po para magUD ako for Chapter 16. Pagwala,it means ayaw nyo. Vote nadin po.

LOVELOTS ❤

Get Inside Of Me. (ON - H O L D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon