Chapter 7

505 37 2
                                    

NAKASANDAL si Borj sa pulang kotse nang lumabas si Roni. Awtomatikong binuksan nito ang pinto sa unahan na ikinataas ng kilay niya sa pagtataka.

"Ipinagbilin ni Tita Marite na ihatid kita."

Iniiwas niya ang mga mata mula rito at nagpatuloy siya sa paglalakad. Hindi pa siya nakakalayo ay naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang braso.

"Male-late na ako, Borj."

"I know, at mas lalo kang male-late kung maghihintay ka pa ng taxi sa kanto."

Tiny shivers assaulted her when she felt the warmth from his breath. Ipinilig niya ang ulo. Pagkatapos ng nangyari kagabi ay hindi na yata niya kayang supladahan si Borj. She smiled wryly. "Okay."

Kung paano sila nakarating sa UP campus na hindi man lang nagkikibuan ay kakatwa kung tutuusin. Sa kabila niyon ay panaka-nakang napapansin niya ang paggalaw ng Adam's apple nito habang naka-concentrate ito sa pagmamaneho.

"Take care." Iyon lang ang sinabi nito nang ihinto siya nito sa mismong harap ng building.

"S-salamat," nagawa niyang sabihin at mabilis na bumaba ng kotse at lumayo.

"Houseboy, huh?" nakataas ang kilay na tukso ni Jelai nang habulin nito ng tanaw ang naghatid sa kanya. "And now your driver?"

Isang pilit na ngiti ang isinagot niya at nilagpasan ang kaibigan.

"Hey!" Maagap na hinawakan siya nito sa kanyang braso.

"So, what now?" Inis na inirapan niya ito. "Talk of the town na ba si Benjamin Jimenez?"

Sa halip na sagutin siya ay iba ang sinabi nito. "Pinadapa ka ba o ikaw ang ..." Jelai paused and emphasized what she meant ngunit maagap na nakapagsalita siya.

"Shut up, Jelai!" Nakaramdam siya ng pamumula ng mukha sa malisyang nahimigan niya rito.

"You're upset? How was the weekend with Borj, the houseboy?"

"Not fine, so don't ask anymore. Halika na nga." Sasabayan na lamang niya ang kaibigan sa paglalakad nang biglang sumulpot si Bea mula sa kung saan.

"Hi, Roni!"

"Hi," ganting bati niya.

"Inihatid ka ni Borj?"

"Oo."

Yumuko ito. Pagkatapos ay nahihiyang humarap ito sa kanya. "I'm sorry, ha."

"Sorry saan?" Nagtatakang hinintay niya ang sumunod na sasabihin nito.

"Ang ibig kong sabihin, well, Borj is a damn good-looking man. Alam mo naman 'yon, 'di ba? Hindi ka naman siguro masusuklam sa akin kung attracted din ako sa boyfriend mo."

She opened her mouth in stupefaction. Maging si Jelai ay natigilan at naging interesado sa sasabihin ni Bea.

Umiiling na tiningnan niya si Bea. "Hindi ko boyfriend si Borj, Bea," mahinang sabi niya rito. "Nagkausap kami kahapon nang pumunta ako sa inyo. You know, I flirted a little at inimbitahan ko siyang sumama sa birthday ng friend ko sa Taytay." Pagkuwa'y bumuntong-hininga ito at ikinibit ang mga balikat. "Gusto kong mapahiya sa iyo pagkatapos naming magkuwentuhan. I thought he's your cousin, lihis sa sinabi mong houseboy, siyempre. But I just know there's something between the two of you. Then he made an admission." Muling ngumiti ito at nagkunwang pinaikot ang mga mata nito. "And you know what? Hindi siya sumabay sa kotse ko. He'll drive daw dahil susunduin pa niya ang mommy mo. My God, you're so lucky, girl! Your man's so faithful."

"H-hindi ko alam na ikaw ang dumating kahapon. At si Borj, hindi ---"

"He's not your houseboy, certainly."

When I See You SmileWhere stories live. Discover now