Chapter 5

471 31 5
                                    

"NASUGATAN ka ba?"

Napaigtad si Roni sa akmang pagbubukas ng refrigerator. Hindi niya magawang lingunin si Borj. Nanginginig pa ang kanyang katawan sa nerbiyos. Kahit may pag-aalala sa boses nito ay hindi nakatulong iyon upang kumalma siya.

She sighed.

"Be careful next time, Roni. Kung nag-iingat ka sana, maitatago ko ang pakikinig mo sa usapan ng may usapan. I understand, you know very well it's unethical."

Dumapo ang kamay nito sa handle ng ref, sadyang ipinatong sa kamay niyang pinanawan ng dugo. Kumibot ang kanyang mga labi sa isang ngiti.

"Remember the line, Roni?" There was apparent teasing in his voice.

Tiningnan niya ito sa mga mata. Hindi niya naiintindihan ang kanyang nararamdaman. All she knew was her chest was throbbing violently, cold blood rushing through her. Sa pagkakatingin niya sa mukha nito ay sandaling dumaan ang isang alaala...

To her victorious moment, napag-alaman niya mula kay Jelai na hiningi ng crush niya ang number nila sa bahay. The name of the boy was Tom. Inaabot pa siya ng halos hatinggabi sa paghihintay ng tawag nito. Akala niya nang ikalawang araw ay hindi na ito tatawag at niloloko lang siya ni Jelai. Ngunit sa ikatlong araw, katatapos lang niyang gumawa ng summer project niya ay tumawag si Tom.

His voice was really pleasant over the phone. Sa katunayan ay nais niyang himatayin sa gitna ng pakikipag-usap niya rito. Just imagine, he was her crush for almost three years. Kung kailan magkokolehiyo na ito, siya naman ay magpo-fourth year high school sa darating na pasukan. They talked a lot --- his friends, hers, her fave things to do and everything. Nasa gitna siya ng pakikipagtelebabad nang mamalayan niyang naka on ang extension phone. She didn't mind for a while and thought it was just a mirage because of too much excitement.

"Labas naman tayo one time," ani Tom.

She secretly giggled. Pinigilan niyang makahalata ito na kinikilig siya. "Sure. Saan naman tayo pupunta?"

"Let's watch movie or concert. Anyway, may ibinigay na ticket sa akin ang aunt ko sa music museum. Isasama sana kita."

It was a dream come true for her. Sa buong high school years niya ay wala siyang sinagot sa mga manliligaw niya sapagkat ito ang gusto niya. She was waiting for him to make a move. At ngayon nga ay hindi na niya palalampasin ang pagkakataong iyon.

"Oy, humanap ka na lang ng ibang makaka-date mo." That was a lazy voice, parang inaantok na hindi niya maintindihan. "Hindi papayagan 'yang si Roni. Alam mo kung bakit? May gatas pa sa labi 'yang pinopormahan mo."

She was astounded when she recognized Borj voice from the extension. "Borj, I'm using the line."

"Hey, sino yon, Roni?" tanong ni Tom nang makabawi sa pagkabigla.

Ngunit sa halip na mag-sorry ay dinagdagan pa ni Borj ang galit niya rito. "Hindi mo ba narinig. I'm Borj. Pare, tigilan mo si Roni, okay?"

"Borj, put down the phone," she commanded him.

"You put down the phone, Roni. Gabi na, dapat ay natutulog ka na," balik-utos nito sa kanya, in a very flat voice.

Duh. And so much duh. Gusto niyang magwala nang mga oras na iyon. Gusto niyang sugurin si Borj na nasa library. Si Tom ang nagbaba ng telepono. He didn't even say good-bye to her. Not even a word.

Mula sa sala ay nagmartsa siya patungo sa library.

"What the hell have you done, Benjamin Jimenez?" Ibinalya niya ang pinto ng library pagpasok niya. She found him lying on the settee, still holding the cordless phone, as if really waiting for a possible riot.

When I See You SmileWhere stories live. Discover now