Chapter 1

24 0 0
                                    

First day of summer! Yes! I've been preparing for this for almost 3 months!

And guess what?

Wala pa ring laman ang aking planner -________-

Oh well, sanayan na lang yan. Kadalasan namang ginagawa ng estudyante pag summer break is matulog, kumain, maginternet, matulog, kumain, at maginternet ulit. Pano ko nalaman? Well sorry ka, gawain ko yan. 

HAHAHAHAHAHA. Okay fine.

"Paaaaaaaaaaaaaaash!!!!" okay, here it goes. This is what summer's like.

"Anooooooooooooooooo?" sagot ko pabalik.

"Bumangon na kayo dyan! Tangha-tanghali na! Ano?! Ako gagawa lahat!? Baka gusto nyong tulungan ako?! Ratatatatatatatatatatatatata....."

Kilala nyo na siguro kung nagsasalita no? Well, sa mga pagong at namumuhay ng payapa sa bahay nila, yan lang naman ang boses ng nagiisang nanay ko sa mundo. Pero kahit ganyan yan, syempre loves na loves ko pa rin yan. 

"Ano ba yan si mommy, ang aga aga sumisigaw wala naman dapat ikasigaw." reklamo ng kapatid ko, si Jamaica.

"Di ka pa nasanay." sagot naman ng ate ko, si Ate Irina.

"Te! San mo nilagay yung remote?" tanong naman ng bunso namin, si Rohan.

"Aba ewan ko. Di nga ako nanunuod sakin nyo hahanapin." at yan, well, truly yours. 

I'm Brenna Pasharica Martinez. Seventeen years of age. First year college. Pero since enrollment na sa May, second year na ko. Taking up BS Accountancy. Oh di ba taray? Single. Masaya sa buhay. MakaDios. Oh ano pang gusto nyong malaman? Kung crush ko si Daniel Padilla? Sorry kayo hindi. Pero gusto ko yung bago niyang single, Simpleng Tulad Mo. Okay, tama na sa kadaldalan ko. Yan lang naman ang mga basic saken. At siguro makikilala nyo pa ko.

"Hoy Pasha! Ano ba? Kumain ka na! Kaya ang payat payat mo eh! Tignan mo yung mga kapatid mo kumakain na, ikaw na lang yung nakatulala dyan!" there she goes, there she goes again..

At wala na nga akong choice kundi kumain na. Ang breakfast? Hmmm.. sinangag at itlog.

"Ma, gusto kong magaudtion para dun sa dance na nilalaunch sa church" Jamaica.

"Wooooooow. Sige, magmuka kang bola dun" walang iba kundi ako.

"Bahala ka sa buhay mo. Basta ayusin nyo muna yung pinapagawa ko ratatatatatatata" uhhh? okay ma. Chill.

At dyan nga nagumpisa ang umaga ko. 

Ang boring talaga. Wala man lang akong maisipang gawin. At eto nga, nakafacebook na naman ako. 

"Magayos na kayo! Pupunta tayo sa church. Naalala nyo ba may worship ngayon?"

Well. God lover ang family namin. Yun kasi ang pinakamahalaga sa buhay namin. Ang makapagpasalamat :)

At yun na nga, after ng worship namin, sumingit na naman si Jamaica sa hirit niyang sasali daw sya sa dance churva na nilalaunch. Naalala nya yun since nandun yung isa sa coordinator ng dance group na yun.

"Maaaaaaaaaaaaaa. Kakausapin ko na si Ice ah?"

"Osige bilisan mo, hihintayin ka namin."

Inabot din siguro sya ng 15 minutes sa pakikipagusap dun sa Ice.

"Ma! Okay na! Itetext na lang daw nya ko pag may practice."

"Sino ba yung Ice na yun? Lagi kong naririnig yun sa inyo." Ako.

"Si Ice ano ka ba! Yung anak ni Mareng Georgina!" Mommy.

"Sino naman si Mareng Georgina?" Ako ulit. 

"Edi yung nanay ni Ice. Ano ka ba Brenna, nagbakasyon lang nawala na IQ mo." Mommy.

Uhhh? Okay -_-"

So ako pa nawalan ng IQ ngayon ah? Haaaaaaaaaaaay, mga tao. Sino ba kasi yang Ice na yan?

FLASHBACK

Situation 1

"Uy ayun si Ice oh!" Ate Irina.

"Asan??" ako yan.

"Ayun oh sa harap nagsasayaw!"

"Teka, sino ba si Ice?"

"Oo mamaya kekwento ko sayo"

-_______-"

Situation 2

"Brenn, maghilamos at magtoothbrush ka na. Darating si Ice, sasamahan ako magenroll sa inyo." mommy.

"Teka, bat sya sasama sayo?" obvious na ako naman yan.

"Eh pano mga tulog pa kayo."

"Teka, sino ba si Ice?"

"Nako mabait na bata yun. Matyaga yun ratatatatatatatataa"

Uhh? Okay? -______-"

 

Situation 3


"Ma, itetext na lang daw nya ko pag may practice" -Jamaica

"Oh mabuti naman. Husayan nya kamo!" -Mommy

"Sino?" -Ako (singit)

"Si Ice." -Jamaica

"Sino ba si Ice???" -Ako ulit na singit.

"Yung magtuturo." -Jamaica

Malamang -______________-"

END OF FLASHBACK

Ngayon, wala pa ring nakakapagpakilala sakin kung sino si Ice. Pero alam ko one time nakilala ko na sya, pero hindi ko na matandaan yung muka. Ibig sabihin, di siya pogi. May araw ka din saken, Ice... uhh wait?

"Jamaica!!!!"

"Ano?"

"Anong buong pangalan nung coordinator?"

"Ice Denryl Pran."

So ayun nga.. May araw ka din saken, Ice Denryl Pran...

***************************************

A/N:

Hi guys! Please vote for this new story of mine! Please please please! And don't forget to comment anything na nagustuhan nyo or nakaaliw sa inyo sa isang chapter! Thank you guys! GOD BLESS! 

If The Shoe FitsWhere stories live. Discover now