Part 1

577 23 14
                                    

"Ano? Dala mo na ba?" tanong ng payat na lalaki sa kaibigan habang nagsusulat sa isang yellow paper, palinga-linga ito sa likuran.

"Andito na." Inilabas ng kausap ang isang picture na halatang pinunit lang sa kalahati. Pagkatapos ipagsama ang tinuping papel at picture sa loob ng puting sobre ay ibinigay sa lalaking naka-duty sa opisina.

"Boss, pakidikit na lang, ha. Pakisigurado na maisali sa ilalabas." Tumango naman ang sinabihan.

"Ano? Tara na, mayayari tayo 'pag nakita tayo dito," sabi ng payat at magkasabay na umalis doon ang magkaibigan.

***

NAGKAGULO ang kumpol ng mga kalalakihan sa canteen nang bumangga sa isang mesa ang may katangkarang lalaki habang sapo ang tagiliran. Ang mukha ay napuno na ng butil-butil na pawis at nakangiwi. Malaki ang pangangatawan nito at balot ng tattoo ang magkabilang braso. May hikaw na kasinglaki ng isang wedding ring sa kaliwang tenga at kalbo. Kahit pilit nitong pinapatatag ang sarili ay hindi pa rin nito nalabanan ang panghihina ng katawan sanhi ng sugat na natamo. Ang bandang tiyan ng suot nitong itim na sando ay nabasa na ng kulay pulang likido.

"Ugh-uh!" Ang tanging lumabas na salita sa bibig ng biktima, unti-unting dumaloy ang dugo sa bibig nito. Umingay ang buong silid nang magsitayuan ang mga kumakain.

"Chip! chip! May bumulagta dito!" Sigaw ng isa sa mga nakiusyoso. Pinalibutan na ng mga tao ang nakahandusay sa katawan.

"Anong kaguluhan 'yan?!" tanong ng jail guard na naka-asul na uniform. Naglakad ito papunta kung saan ang kaguluhan pero hindi makikitaan ng pagmamadali sa kilos.

"Si Isog, napuruhan!" sagot ng isa sa mga nakigulo.

"Pambihira, ang laki mong tao, naisahan ka, Isog?" anang pulis na tinanggal ang radyo sa baywang at tumawag ng kasama. "Akala ko ba matinik ka?" Halos mawalan na ng ulirat ang kinakausap nito, malubha na ang habol ng hininga.

Habang abala ang iba sa nagaganap, sa isang sulok ay nag-usap ang magkakaibigan.

"Jackpot, Pedro! Nadali mo rin!" pabulong na siko ni Badong sa lalaki.

"Umeskapo na tayo rito," bulong din ni Payat. Pasimpleng naglakad ang tatlo palayo sa canteen habang abala pa ang lahat sa nangyaring kaguluhan.

"Wohoo! Da best! Idol talaga kita, Pedro. Ilang preso na ang gustong maitumba si Isog pero ikaw lang ang nakagawa," masayang sabi ni Badong na minamasa-masahe ang balikat ni Pedro. Medyo pandak tingnan si Badong sa height na five feet and three inches, may katabaan at malaki ang mga mata.

"Marami na ring inagrabyado ang Isog na 'yun kaya mas mabuting mawala na siya. At least, nabawasan ang matitigas dito," sagot naman ni Payat. Katulad ng palayaw nito, payat din talaga ang lalaki, may kaputian at singkit ang mga mata. Ang sabi ay may lahi daw na intsik ang ina nito kaya ganoon ang hitsura.

"Sino ba'ng isusunod natin?" tanong ni Pedro sa dalawa.

"Sa ngayon, okey na muna 'yon. Palamig muna tayo kasi balita ko mag-oobserba ang mga guwardya para sa susunod na parole. Malinis ang pagkakagawa mo kaya mahihirapan silang alamin kung sino ang dumali kay Isog."

Nasa basketball court sila nang sandaling iyon dahil free time. Sa isang araw, pagkatapos nilang makumpleto ang mga nakatokang gawain, may dalawang oras silang puwedeng gawin kung ano man ang gusto nila.

May ilang mga presong naglalaro ng basketball sa gitna ng court, ang iba naman ay nakatungo sa hawak na baraha. May sari-sariling grupo at abala sa pakikipagkwentuhan kaya hindi maririnig ang pinag-uusapan nila. Ang pinakamalapit na grupo sa kinaroroonan nila ay nasa dalawampung metros ang layo kaya kampante sila.

COMPLETED From Kulungan With LoveWhere stories live. Discover now