Kabanata Labing-lima - A Tough Decision

Magsimula sa umpisa
                                    

“Pasensya na ngunit hindi ko pwedeng sabihin.” Napakurap siya nang bigla itong mawala. Nawala ba ito o naging invisible na naman? Inilibot niya ang paningin sa paligid.

Napahiyaw si Daniel nang maramdaman ang kagat sa kanyang balikat.

Napaluhod siya. Lumabo ang kanyang paningin. The sword in his hand felt so heavy that he dropped it. His enemy was draining him. His body burned.

“Hmm. Ang sarap ng enerhiya mo, Supremo. Pagkatapos mo, isusunod ko ang babae.”

Hindi! Huwag si Emanuela!

Red started to claim his vision. Walang sinuman ang gagalaw sa babae. Tumuli sang kanyang kuko at itinarak iyon sa dibdib ng Barbak.

Bumagsak siya sa lupa…una ang mukha. Nagtatalo ang kadiliman sa kanyang paningin.

‘Bantayan mo siya,’ utos niya sa halimaw. Even with that simple statement, his energy drained. He moaned when pain attacked him. May lason ang kagat ng Barbak at dumadaloy ang lasong iyon sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung makakatagal pa ba siya.

‘Mas lalala ang sitwasyon mo kung lalabas ako.’

The beast was helping him heal but the girl was left unprotected.

‘Kaya ko pa. Puntahan mo siya.’

Nararamdaman niya ang pagtatalo ng lobo. ‘Kung iyan ang gusto mo.’ Lumabas sa kanyang katawan ang halimaw. Napaungol siya nang mas lalong kumalat ang lason. Unti-unti na siyang hinihila ng kadiliman. Huli niyang narinig ang alulong ng halimaw.

TIRIK na ang araw nang magising si Emanuela. She bolted upright when she noticed her surroundings.

Nasaan ako?

Doon lang niya naalalang nahuli siya ni Daniel. At nasaan ang lalaki?

Bumangon siya at napakislot nang maramdaman ang pananakit ng buo niyang katawan.

Itinaas niya ang kanyang kamay. Napakarami niyang pasa sa katawan. May mga galos din. Nakuha siguro niya ito nang malaglag siya papunta sa mga sanga ng puno. Subalit paano siya nakasurvive sa pagbagsak na iyon? Isang napakalaking milagro na buhay pa siya hanggang ngayon.

“Nagugutom ka na ba?” Walang ano-ano’y iba’t-ibang klase ng prutas ang nasa kanyang tabi. “Ubusin mo raw ang lahat ng iyan.”

Napaawang ang bibig ni Emanuela. “Field? Daniel Dos? Bakit kayo nandito? Nasaan naman ang walang hiyang lalaking iyon?” nanggagalaiti niyang tanong. Hindi pa rin niya malimutan ang nangyari kagabi. Ang takot niya kay Daniel.

Malungkot na nagkatitigan ang dalawa. Sandali. Anong nangyayari kay Field? Bakit hindi na ito ngumingiti? At ano itong tila mabigat na bagay sa kanyang dibdib na pakiramdam niya ay maiiyak siya sa sobrang kalungkutan. Sinundan niya ng tingin kung saan nakatingin ang dalawa.

Napasinghap siya nang makita na nakahiga si Daniel at mabilis ang paghinga.  May maitim na kagat sa kaliwang balikat nito. “Anong nangyari sa kanya?”

“Sinalakay siya kagabi ng mga Barbak. Kinagat siya ng isa sa mga ito at pumasok ang lason sa katawan ng Supremo. Ngayon mas lalong lumalala ang kalagayan niya dahilpinalabas ng Supremo ang lobo upang pumunta dito. Hindi na rin babalik ang lobo sa katawan ng Supremo dahil mawawalan ka ng proteksyon.”

Hinarap niya ang lobo. “Pumasok ka sa katawan niya.” Kahit na hindi maganda ang naging pakikitungo sa kanya ni Daniel hindi niya magawang hayaang mamatay na lamang ito.

Umiling sa kanya ang lobo.

“Seguridad mo ang mas importante para sa kanya.  Mananatili siya dito kapag wala siyang makitang taong maaring pagkatiwalaan sa iyong seguridad.”

Claiming Emanuela Velasco (Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon