Kabanata Labing-isa - Misteryosong Lalaki

1.3K 23 1
                                    

Kabanata Labing-isa – Misteryosong Lalaki

ITO na ba talaga? Ito na ba ang kahahantungan niya? Dito na ba matatapos ang buhay ni Emanuela Cherry Velasco?

Naakaraming pumapasok sa kanyang isipan ngunit isa lamang ang nangingibabaw. Iyon ay kung ililigtas ba siya ng dalawa.

Walang ano-ano’y biglang sumulpot mula sa isang puno si Daniel. Nakahanda ang mga bisig nito upang saluhin siya. All free-falling objects (on Earth) accelerate downwards at a rate of approxiamately 9.8 m/s2 but why did it feels like she was falling very slowly? Na para bang ginamitan ang eksena nilang dalawa ngayon ng slow motion? No! They were not lovers so its very wrong for them to have a slow motion act.  At bakit nagagawa pa niyang mag-isip samantalang kaunti na lamang at babagsak na siya sa mga bisig ng lalaki?

Ayoko sa kanya, anang isip niya.

“Alvin, Az!” tawag niya sa dalawa.

“Hindi ka makakatakas sa akin, Emanuela.”

Pagkuwa’y dalawang matitipunong bisig ang sumalo sa kanya. Mabilis ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib. She did not fall on Daniel’s arms. Yes, she didn’t.

Itinaas siya ng lipad ni Az. Nilingon niya ang direksyon ni Daniel. Kalmado lamang ito habang tumitingin sa kanya at tumaas ang sulok ng labi.

Biglang may hindi maganda siyang nararamdaman. His calmness was odd. Pinaningkitan niya ito. What was he planning? tanong niya sa kanyang isipan. Pagkuwa’y naging matigas ang ekspresyon mga mata nito katulad ng isang malaking bato na makikita sa tabi ng kastilyo.

Inilayo niya ang kanyang mga mata sa lalaki. Hindi siya dapat mag-aksaya ng panahon sa lalaki. He did not want you, remember? piksi pa ng kanyang utak. Get over it, Emanuela. Past is past. Iyon nga ‘di ba ang gusto mong ipagsigawan sa History teacher mo?  

Napasinghap siya nang makita ang lobo sa tabi ng lalaki.

“Daniel Dos…” bulong niya.

Animo narinig ng lobo ang kanyang pagtawag. Tumingin ito sa kalangitan at nagpakawala ng isang alulong. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Ano itong nararamdaman niya? Parang pinupunit ang kanyang puso sa alulong nito.

Tinakpan niya ang kanyang tenga at mga mata. Wala siyang narinig. Wala siyang narinig.

NAGPATULOY sila sa paglipad. Tumitigil lamang sila sa upang magpahinga ngunit bumabalik din. She wanted to go home. She wanted to return to her parent’s protection. Sana hinihintay pa rin siya ng kanyang mga magulang. Sana hindi sila nawawalan ng pag-asang bumalik siya sa kanila.

Sumapit ang dilim.

Napag-usapan nina Alvin at Az na manatili muna silang tatlo sa isang kubo na naraanan nila kanina na nakatayo sa isang malaking sanga ng puno. Paulit-ulit siyang binahing nang makapasok sila sa loob. Kasing kapal ng pocketbooks niya sa bahay ang alikabok sa paligid. Ilang taon na kaya itong pinabayaan? Gusto sana niyang magreklamo sa dalawa na baka pwedeng humanap sila ng ibang kubo ngunit pinigilan niya ang sarili nang makita ang pagod sa mukha ng dalawa.

“Dito na tayo magpalipas ng umaga pero maari ring sa tuktok ng puno,” ani ni Az.

Sunod-sunod siyang umiling.

Hindi pwede. Baka paglaruan siya ng dalawa at ihulog sa ibaba. “Ayos na ito,” turan niya. Kinusot-kusot niya ang ilong. Marahil namumula na ito. “Hindi naman ako nagrereklamo, ah? Pero madilim lang.”

Marahang tumawa ang dalawa.

“Marunong ka rin naman palang magbiro, Boss Em,” saad ni Alvin.

Claiming Emanuela Velasco (Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon