Ako na ang nagsara ng pinto nang nakapasok na rin ako, the room is cream colored. Dirty white. Ni halos parang hindi nagalaw ang mga gamit dahil maayos ang mga ito, at ni isang kalat ay wala akong nakita. May mga paintings din sa dingding. May mga pictures din akong nakitang nakabalandra na nakalapag sa mga cabinets na kulay puti. A family picture, mayroong solo niya, at may kasama siyang babae - which I think is his Mom.

Dumiretso kaming dalawa sa kanyang kusina, sinundan ko lang siya at tumigil siya sa sink upang ilapag ang mga paper bags samantalang agad kong dinungaw ang kanyang ref at pinulot ang maaari naming gamitin dito. Pagkatapos ay inilapag ko ito sa gilid ng sink, naabutan ko naman siyang nakasandal dito habang nakatitig sa akin. Kinunotan ko siya ng noo.

“Even with that outfit, you still look nice.” Aniya at mabilis na inangat ang sarili at naglakad paalis doon.

Is that a compliment?

Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong dinaluhan niya ang paper bag na pinamili namin. Isa-isa niyang inilabas ang laman nito kaya nama’y nilapitan ko na lamang siya at ‘saka tinulungan.

“Are we okay?” I interrupted, nakakunot noo lamang akong nakatingin sa kanya.

“We are.” Mabilis naman niyang tugon.

“Then why are you mad?” Wala sa sarili kong sagot at pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga ingredients sa sink.

Inilabas ko ang hipon at agad itong inilagay sa isang bowl, ‘saka ito ibinabad sa tubig. Pinanuod niya naman ako habang ginagawa ako iyon. I take it back, even this atmosphere between is doesn’t give me a hint of comfort. Parang naiilang na lang ako habang iniiwasan ang kanyang mga mata.

“I seriously want to kiss you.” Muli niyang sinabi gamit ang kanyang mahinang boses.

Napatigil ako sa aking ginagawa at nag-iinit ang pisnging humarap sa kanya. Seryoso ang tingin nito sa akin, dahilan upang gumana na naman ang mabilis na pagpintig ng aking dibdib. Pati ang tulog na kuryente sa aking katawan ay nagkalat na naman, para akong nakikiliti sa bawat titig niya.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi alam ang gagawin, kaya nama’y binuhat ko ang iba pang ingredients gaya ng sibuyas, sili, ginger and garlic at ipinunta ito sa sink. Hinugot ko na lang ang kutsilyo sa lalagyan at nag-umpisa nang maghiwa. Dapat ay doon ako maghihiwa sa harap niya, ngunit iniisip ko pa lang ang panonuod niya ay umuurong na ang sikmura ko.

Maya-maya pa’y naramdaman ko na si Bradley na binuksan ang ref. “What else do you need?” Tanong nito sa akin, na para bang normal lang ang lahat ng ito sa kanya.

Buti pa siya, kumportable.

Umiling ako nang wala sa sarili dahil sa kabang hindi pa rin naglalaho. I can feel his stare, his hot stare at me right now.

Naupo na lamang siya sa isa sa mga high chairs doon habang pinapanuod ako sa ginagawa. Nang matapos ko namang ihanda ang mga ingredients ay nag-umpisa na ako sa pag-iinit ng pan.

Naglagay ako ng mantika roon at ‘saka ito hinintay na bahagyang uminit.

“Paabot ng lemongrass.” I awkwardly asked him na ngayon ay abala pa rin sa panonuod sa akin.

Agad naman niya itong iniabot sa akin, “Thanks.” Pinilit kong ngumiti sa kanya.

After that I added the vegetables, coconut cream, at ang hipon. Tinakpan ko ito at naghintay ng ilang minuto.

Nag-umpisa naman agad ako sa paghahanda ng mga gagamitin para sa omelette na gusto niya. Bawat galaw ko ay napapasulyap ako sa kanya, at ni hindi man lang siya nag-aabalang umiwas ng tingin! Bagkus ay nakikipagtitigan lamang siya sa akin.

Not A Fairytale✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon