Chapter 1

7.7K 128 7
                                    

Aly: anak ng tokwa naman tol, ang tagal mo naman kanina pa kami ni bang dito.. inis na sabi nya kay Kim)

Kim: pasensya na masama talaga ang tiyan ko.. buwsit kasi yung kinain kong pansit kanina... nadale ako tol, pero ano tuloy pa ba ang lakad natin? (tanong niya kay Aly)

Bang: paano ang takaw takaw mo kaya kahit papanis na yung pansit kinain mo pa din... (pang-iinis niya kay Kim)

Kim: wag mo akong asarin bangnita ha baka samain ka sa akin (hinilamos niya ang kamay niya sa mukha ng pinsan niya)

Bang: yuck! ano ba Kim gago ka ha ang baboy mo!! (Diring-diri na sabi niya dito) naghugas ka ba ng kamay?! Ha!!

Aly: (naiiling na lang siya sa dalawa dahil para itong mga bata, kung mag si asta parang mga hindi professional hustler) tumigil na nga kayo diyan, mamaya malasin pa tayo sa ginagawa ninyo eh...

Hindi naman na umimik ang dalawa pero si Bang panay pa din ang bulong kay Kim, tinatanong niya ito kung nag hugas ito ng kamay..

Bang: huy Kim ano naghugas ka ba ng kamay? Bad trip naman ito oh... (punas ng punas ng mukha niya)

Kim: napa arte mo, pag tayo nadinig pa tayo ni Baldo ha... pareho pa tayong malalagot eh...

Aly: ano ba nagtatalo pa din kayo? bang, wag ka na magreklamo sabi ng matatanda pag nakatapak ka daw ng jebs magkaka pera ka oh malay mo maka jackpot tayo ngayon diba?

Bang: Aly sa mukha ako pinunasan nitong engot kong pinsan anong palagay mo sa mukha ko paa?

Aly: oh isipin mo na lang nakasubsob ka sa pera hahaha (Dugtong pa niya)

Bang: tse!! pareho kayo mga siraulo kayo!! (inis na inis na sabi niya sa dalawa)

Aly: wag na kayong maingay, andito na tayo.. mamaya na kayo mag-asaran, kailangan maging maayos ang lakad natin at walang sabit..

Kim: oo na Baldo, alam na namin yan...

hindi madali ang ginagawa nila, palaging may naka umang na panganib maaring makulong or mapatay sila ano mang oras pero kapag nagawa nila ng tama katumbas nun ay pag kain sa lamesa...

maaring madaming nagsasabi na bakit hindi sila humanap ng maayos na trabaho? Paano kung wala kang pinag-aralan? Paano kung ni ang pangalan mo ay hindi mo kayang basahin at isulat?

May mga tao na lumaki sa mundo na pinanghahawakan ay hindi libro at kaalaman kundi diskarte at lakas ng loob... mali man sa ibang tao pero ika nga pag kumalam na ang sikmura mo gagawin mo ang lahat... kapit sa patalim...

ang nga target nila ay ang mga negosyanteng alam nilang hindi nagbabayad ng tama sa buwis.. how would they know simple mag papanggap silang bibili sa establishment nung sinu surveillance nila pag hindi nagbigay ng tamang resibo alam na nila na hindi ito nagbabayad ng buwis.. kung minsan naman ay pinapa silip nila sa contact nila sa loob ng city hall ang business permit nito at pag nalaman nila na may anomalya ito siya na ang susunod na target nila...

Hindi sila nangbibiktima ng mahirap dahil alam niya nila kung paano maging mahirap...

Ang trabaho nila ay parang pelikula minsan kailangan nilang umarte minsan naman kailangan nila ng aksyon at syempre hindi nawawala ang comedy lalo pa kung mag kasama si Aly at Kim sa isang lakad...

Pirmi nilang kasama si Bang dahil ito lang ang marunong bumasa sa kanila... May mga lugar kasi na kailangan bilang pasukin at hindi mababasa ni Aly at Kim ang ano mang mga signage duon...

May isa din silang team na nasa computer lang at nagsasabi ng kung anong nakikita ni Aly at Kim para kung sakali ay maibubulong nila ito sa kanila...

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon