CHAPTER 15 - THE LAST

2.4K 95 52
                                    

[SUNDAY • Surgery]

Nandito na kami ngayon sa hospital nag hihintay sa update ng doctor dahil chicheck pa nila si Peter

"Makakaya ko kaya?"

Napatingin kaming lahat kay Peter dahil seryoso niya itong tinanong, lumapit naman yung mama niya at hinalikan siya sa noo

"Makakaya mo yan nak"

Habang tinitignan sila naiiyak ako, parang di ko makayanan pag nawala si Peter

Ng napansin ako ni Peter agad akong nag punas ng luha, ngumiti siya at pinalapit niya ako

Lumapit ako sakanya at di ko mapigilang yakapin siya ng mahigpit

"oohh mine di yata ako mamatay sa surgery mas mamatay yata ako sa yakap mo"

Napabitaw naman ako agad sa pag yakap sakanya

"Sorry sorry mine di ko kasi mapigilan eh"

"Oh iiyak ka nanaman napaka iyakin mo talaga"

Sabay kurot niya sa pisnge ko, hinawakan niya yung dalawang pisnge ko

"Kung ano man ang resulta ng surgery, always remember that I love you kung sakaling mamatay man ako may dadating na bago basta wag si Casper ah mumultohin talaga kita"

Tumawa pa siya, ba't may gana pa siyang tumawa e seryoso nato e.. Sinapak ko naman yung braso niya

"Seryoso kasi! Tsaka lalaban ka di ka mag papatalo sa surgery na yan!"

"Masakit yun mine ah,tsaka sinabi ko lang naman yun kasi what if diba?"

"Pinapapaiyak mo naman ako eh, bwesit ka"

Tumalikod naman ako sakanya, pero hinila niya ako paupo at hinawakan yung kamay ko

"Pag lalaban ba ako may reward ako?"

Napatingin naman ako saknya at tinaas baba pa niya yung kilay niya na parang inaasar ako

"Anong reward naman?"

Tinignan niya muna yung parents niya pati sina Mike at Venice na busy sa pag ligpit ng pinagkainan nila

Bumulong naman siya sakin at sinabing

"reward mo ko ng kiss"

"HAAAAA! BAL— heheheh sorry tita,tito"

Napasigaw kasi ako kaya napatingin sila ni tita at tito

"nako kayong dalawa talaga ang kukulit"-tita

Tumawa nalang kami, di din nag tagal dumating na yung doctor

"Lets proceed now to ER"

Hinawakan ko yung kamay ni Peter at sumunod kami habang papunta kami sa ER biglang nag salita si Peter 

"Mahal na mahal kita Calleigh"

Sabay halik niya sa kamay ko 

"Mahal na mahal din kita Peter"

Pinipigilan ko lang yung luha ko at ngumiti lang sakanya

hangang sa makapunta na sa ER  at nag hintay sa labas

Lumapit naman si Tita sakin at tinapik yung balikat ko

"Everything will be alright hija, lalaban ang anak ko"

Lumapit na din si tito at hinawakan ang kamay ni tita

"He is strong well sometimes weak we all have that, pero ngayon may reason na siya na mas tumapang at dahil yon sayo hija"

You Came Into My Life [COMPLETED]Where stories live. Discover now