Bakit wala si khanz? Anong nangyari at nadamay si khanz?

"A-at ang pangalan ng organisasyon niyo ay..."-napalunok ako. Bakit parang nanuyo ang lalamunan ko at hindi matuloy ang susunod kong sasabihin?

"Azazel."-patuloy niya na lalong nagpa kaba sa akin.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Dapat ba gumaan ang loob ko dahil unti-unti ng nasasagot ang mga katanungan ko?

"And this organization has rules. And one of the rules is that you can't have relationship on your own team."-wika niya at nagpahid ng luha.

Tuluyan na akong natulala sa aking nalaman.

"B-bakit hindi pwede?"-wala sa sarili kong tanong.

Huminga ng malalim si ate zaynah. "I can't tell you the reason because it's confidential ahli. I hope you understand."-bulong niya pero tuluyan na akong natulala.

"Me and khonner kept it a secret. Alam ng mga kagrupo namin pero hindi sila nagsumbong that's why I'm lucky having them."-ngumiti siya kapagkuwan ay unti unting nawala ang ngiti'ng yun. "Khenner, khonner's twin brother find out our relationship. And he told to their chairman and thing's beacame shit's. Pinaghiwalay nila kami and worse they remove us from the organization. Wala naman akong angal dahil mas gusto kong mabuhay ng payapa pero mukhang dumikit sa amin ang karma. They send khonner to korea while me in amerika. At dahil hindi pwedeng mawalan ng myembro ang organisasyon, dinamay nila ang mga kapatid namin."-lumuluhang sambit niya.

Para akong nabuhusan ng tubig sa huling sinabi niya. Parang sumasakit ang ulo ko sa aking nalaman. Nanlalamig ang palad ko at parang anumang oras ay mawawalan ako ng lakas.

"Pinalitan ni khanz si khonner. Nadamay sila kahit hindi naman sila ang may kasalanan..."-dagdag pa niya pero parang wala na akong marinig. Namingi ata ang tenga ko dahil isa lang ang nasa isip ko ngayon.

"And zad..."-lumunok si ate zaynah. "Zad took my position."

Tuluyan ng nangatog ang mga tuhod ko. Natulala ako sa kawalan ng marinig ang huling katagang sinambit niya.

Isa din siyang azazel...

**

Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayong nalaman kong kasali pala si zad sa organisasyo'ng yun.

Katulad din siya kina khanz...

Marahas kong pinilig ang ulo ko.

Masama siyang tao ahli...

Napakagat labi ako. Hindi ganun si zad. Hindi niya kayang gumawa ng masama. Iba ang pagkakakilala ko sa kanya.

Iba siya...

Nagsinungaling siya sa akin. Nung tinanong ko siya kanina, nag iwas siya ng tingin. Bakit? Dahil ayaw niyang malaman ko? Wala ba siyang tiwala sa akin kaya minabuti niyang itago ang pagkatao niya?

Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip. Akala ko okay na kapag nalaman ko ang nakaraan ni ate zaynah pero mukhang binigyan na naman ako ng panibagong tanong.

Mabilis akong tumayo sa pagkakaupo sa aking kama at tahimik na lumabas ng kwarto. Gusto kong mapag isa at gusto kong makapag isip isip. Sumasakit ang ulo ko. Peste!

Nakarating ako sa garden ng hospital. Tahimik ang paligid at wala ng tao dahil tuluyan ng nilamon ng dilim ang paligid. May mga ilaw naman sa paligid kaya maliwanag dito.

Marahan akong naupo sa bench at napatulala na lang sa kawalan. Paulit ulit na nagrereplay sa utak ko ang mga narinig ko.

Ano ba talaga ang ginagawa niyo zad? Bakit may organisasyon kayo at anong layunin niyo para bumuo nun? Sino ba talaga kayo?

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now