"S-sino ka?"-kinakabahan kong tanong at naglakad paatras ng maglakad siya papalapit sa akin.

Tauhan ba ni marinel kang ito? Ano bang gusto niyang mangyari?

Ngumisi yung lalake at saka winasiwas ang latigo'ng hawak niya na may bahid ng dugo. Kung hindi ako nagkakamali, yun ang ginamit niyang panghampas kina ate zaynah.

Parang si mondriguez din siya dahil nakakatakot ang aura niya. Sa tansya ko, magkasing edad lang sila ni ate zaynah. Kulay red ang buhok niya at kapansin-pansin ang hiwa sa kanang pisngi niya pababa sa kanyang bibig. Nakakakilabot siya kung tumingin na para bang anomang oras ay kaya niyang kumitil ng buhay. Ano bang klase ng mga taong ito? Noong una, isang mafia ngayon naman...baka drug dealer to.

Napalunok ako ng maglakad pa siya papalapit sa akin. Aatras na sana ako ng hinawakan ako ng tauhan niya sa likod upang hindi na ako maka atras pa.

"Pasalamat ka at hindi pa kita sinaktan tulad ng mga kasama mo."-matigas niyang bulong habang naglakad paikot sa akin. Di ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko. Nakakakilabot ang kanyang titig.

"A-anong kailangan mo sa amin?"-nagawa ko pang itanong sa kanya yun kahit natatakot na ako.

Huminto siya sa harapan ko at dinakma ang pisngi ko. Napapikit ako sa hapdi na hatid iyon pero pinilit kong ininda.

"Simple lang...ang papuntahin ang mga azazel dito."-matigas niyang tugon at marahas na binitawan ang pisngi ko.

Akala ko may ipapagawa din siya tulad ng kay mondriguez pero sa tingin ko ay naiiba ito. Hindi ko alam kung anong gagawin niya kina khanz pero ang sigurado ako ay papatayin niya ang mga azazel. Gaya ni mondriguez.

Nagtataka ako kung bakit nila gustong patayin ang mga azazel. Posibleng may nagawa na namang mali sila khanz kaya gustong maghiganti ng lalakeng nasa harapan ko.

O may koneksyon ang lalakeng to kay mondriguez?

"Sabihin mo nga kung anong pakay niyo sa kanila? Boss mo ba si marinel kang?"-walang takot kong tanong.

Kumunot ang noo niya kapagkuwa'y natawa.

"At sino naman ang marinel na pinagsasasabi mo?"

O_O

Ha?

"Ako ang boss dito at wala ng mas nakakahigit sa akin!"-galit niyang sigaw na para bang may masama akong nasabi. Galit agad?

Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Ibig sabihin, walang kinalaman si marinel kang dito? Sino ba kase yun at ganun na lang makatingin sa akin noon?

At sino naman ang lalakeng to kung hindi si marinel kang ang may pakana nito? Sinong pakay niya?

"Ngayon, asahan mong mabubulok kayo dito hanggat hindi magpapakita sa akin ang mga azazel na yun! Itali mo yan."-utos niya at saka kami tinalikuran.

"Bitawan mo ako!"-pilit kong magpumiglas ngunit malakas niya akong nasikmuraan kaya naman walang kahirap hirap niya akong naitali.

Lalo akong nakaramdam ng takot ng maglakad papalapit sa akin yung lalake habang winawasiwas sa ere ang latigo niya.

"H-huwag mo na siyang idamay dito a-arevalo..."-napalingon kami kay ate zaynah ng magsalita ito. Kahit hinang-hina nagawa pa din niyang magsalita.

"Akalain mong buhay ka pa zaynah. Tibay mo rin ano. Hindi ka parin talaga nagbabago."-tawa nung lalakeng nagngangalang arevalo kuno.

"Magkakilala kayo?"-gulat kong tanong.

Napatingin sa akin si ate zaynah.

"Marami ka pang kakaining bigas bago mo malaman."-ngisi ni arevalo at walang pasabing hinampas ng latigo ang likod ko.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now