TBAI:54

2K 31 0
                                    

Alexa P.O.V

Para akong nanlumo ng makita ko si xian na nanghihina na,hindi ko magawang tignan sya ng matagal ng ganun dahil sakin.

Kung mahal nya si xian bakit kailangan nyang pahirapan at saktan si xian.

"Arie please itigil mo na yan"pagmamakaawa ko rito,kung kinakaialangan kong lumuhod sa harap nya gagawin ko wag nya lang saktan si xian"arie please nagmamakaawa ako sayo"

Kahit anong pagmamakaawa ko sa kanya ay parang wala lang syang narinig,at patuloy nya pa ring inutusan ang nga tauhan nya na pahirapan at saktan si xian.

"Arie yan ba talaga ang gusto mo,ang makitang nasasaktan at nahihirapan ang taong mahal mo...... Mahal mo sya pero ginagawa mo toh sa kanya"sambit ko rito habang nanantili parin akong nakaluhod sakanya.

"Tama na yan!"pagpapahinto nya sa mga tauhan nya,napatingin ako kay xian na nakatayo na pero ang katawan nya puro galos.

Tumayo na ako mula sa pagkakaluhod sa kanya pero bigla nyang itinutok ang baril na hawak nya mula sakin,makikita sa kamay nya ang mhigpit na pagkakahawak sa gatilyo ng baril at ano mang oras ay maari nyang maiputok ang baril sakin.

"Alam mo swerte ka xian dahil ang babaeng toh.... Tinanggap ang nakaraan mo,kung sino ka at kung ano ka... Pero minahal nya"sambit nito kay xian pero ang baril nya nanatiling nakatutok sakin.

Kaba at takot ang nararamdaman ko dahil baka ito na ang katapusan ko,pero may tiwala ako sa kanya alam kong hindi nya kayang manakit ng iba.

"Kaya ko namang gawin yun xian pero mas pinili mo nga lang sya.... Kaya napag isip isip ko,kahit saktan at pahirapan kita ay walang magbabago kaya siguro sya na lang ang mawala"

"Ako ang kailangan mo...ako ang patayin mo....labas sya dito!!"kahit nahihirapan sya ay pinilit nyang sabihin yun,alam kong hindi ito ang tamang panahon para kiligin pero yun ang nararamdaman ko,ganun nya ba ako kamahal at kahit ang buhay nya ay handa nyang ialay para sa kaligtasan ko.

"Tama ka ikaw ang kailangan ko at labas sya dito pero paano kita makukuha kong mananatili pa syang buhay"

Hindi ko alintana ang pagtutok nito ng baril sakin dahil ang atensyon ko ay nasa lalaking pinakamamahal ko.Sya ang nagturo sakin na hindi ko kailangang matakot sa lahat ng bagay,na kailangan kong maging matapang para mabuhay pero paano ako mabubuhay kong sya naman ang mawawala.

"Pero mas naisip kong ikaw na lang ang mawala"nanlaki ang mga mata ko ng itutok na nya kay xian ang baril,kaba ang naramdaman ko sa mga oras na toh,binabalak nya bang si xian ang papatayin nya imbes na ako.

"Bakit kapag pinatay mo ba sya mapupunta ako sayo"kita sa boses nya ang sarkamistong sagot alam kong may inis na naramdaman si arie dun.

"alam ko naman yun pero tutal hindi kita makukuha,wala dapat saming dalawa ang makinabang sayo...."nakita ko ang kamay nya na mahigpit ang pagkakahawak sa baril na kahit ano mang oras ay ipuputok na nya yun kay xian"paalam na"hindi ko na alam kung anong gagawin ko na Madiin nyang hinawakan ang gatilyo,hindi pwede... Hindi nya pwedeng patayin si xian.... Bago pa nya iputok ang baril ay tinulak ko sya dahilan para matumba sya.Ako naman ay agad na tumakbo palapit kay xian.

Ngayon ko lang narealize na ang taong toh ang mamahalin ko ng sobra,ilang beses nya na akong iniligtas nung mga panahong nasa pahawak ako,siguro oras na para ako naman ang gumawa nun sa kanya,hindi ko kinaya ang pagkawala ng magulang at mas lalong hindi ko na kakayanin kong pati Sya ay mawawala sakin.

"Laurice"mahinang banggit nito sa pangalan ko,pakiramdam ko ito na ang huli.

Bago pa ako makapagsalita isang putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid at parang namanhid ang buong katawan ko.

The Boss And I (Completed)Where stories live. Discover now