TBAI:47

1.5K 28 0
                                    

Alexa P. O. V

Hindi ko alam kung anong ikinagagalit nya,porket yun lang kung pagsigawan nga ako parang ang layo ng kausap nya.

"So kasalanan pa ni roxanne,masyado mo kasing pinapairal yang nararamdaman mo,alam kung galit ka Kay roxanne pero hindi mo dapat ginawa yun,tignan mo Tuloy ang nangyari"gusto ko ng umalis dito at iwasan sya dahil anomang oras ay iiyak na ako sa nangyayari.

"Buti pa Kay roxanne nag aalala ka pero sakin hindi,nasaktan din naman ako ha...."pasigaw na sagot ko rito,ayoko na hindi ko na kayang pigilan pang tong nararamdaman kong galit.

"Imbes na mag ganyan ka,mag sorry ka na ka na lang sa kanya"sobra na ang nararamdaman kong galit,ako mag sosorry over my death body sya nga hindi man lang humingi ng tawad sa ginawa nya ako pa kayang na sprain lang ang paa nya.

"Bakit ako mag sosorry sa isang bagay na hindi ko naman sinasadyang gawin...iba ang sinadya at di-sinasadya at sa dalawang yun,di ko sinasadyang gawin yun, kaya bakit ako mag sosorry"inis na sambit ko rito.

"Ano ganyan kana ba ha, paiiralin mo yang makitid mong utak"

"Ok fine....kasalanan ko na kung kasalanan ko..... Ayan satisfied,inamin ko na kasalanan ko....pero wag kang umasang mag sosorry ako sa kanya,dahil kung ako mas malala pa dun ang gagawin ko!!!!"pasigaw na sambit ko rito at agad na lumabas ng kwarto,pabagsak kong sinara ang pinto dahil sa galit na naramdaman ko,yun naman ang gusto nya eh,ang aminin ko ang kasalanang hindi ko namang sinasadya,edi sya na ang kampihan mo....

Dahil sa pag-aaway namin hindi ko na nagawang magpalit ng damit,naka white T-shirt at short lang ako nung naglaro kami,kaya imbes na magpapalit ako tyaka naman nangyari toh.Dumiretso na lang ako sa tinext ni tiffany na restaurant kung saan kumain kami ka gabi.

Padabog akong umupo sa harap nina allen at tumabi na lang ako Kay jonathan.

"Oh bakit parang wala ka ata sa mood"tanong ni Timothy sakin,pero nanatili nalang akong tahimik at kumain na lang Ako.

"Teka bakit hindi kayo magkasabay ni xian pumunta dito?"biglang tanong ni Marcus sakin,wala akong ganang sumagot sa mga tanong nila,at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"Kamusta ang sugat mo?"biglang tanong ni jonathan, buti pa sya worried sakin kahit papaano samantala ang isang yun ako pa ang sinisisi sa nangyari.

"Medyo kumikirot pa"sagot ko rito,ng may maramdaman akong may umupo sa bakanteng upuan na katabi mo,pero hindi ko na lang yun pinansin at tinuon na lang sa pagkain,ayokong sirain lalo ang araw ko baka kung ano pa magawa ko.

Natapos kami sa pagkain ng wala ni isa samin ang Umimik,nauna na akong bumalik sa kwarto dahil tinatamad ako ngayon at pakiramdam ko bumabaliktad ang sikmura ko...sina allen kasi sinamahan sina tiffany na maglibot pa dito,tapos si xi-hay naku ayokong pag-usapan ang tungkol sa kanila,syempre nasan pa ba yun edi sinasamahan ang babae nya.Humiga na lang ako sa Kama dahil biglang sumama ang pakiramdam ko,tapos parang susuka pa ako.Sinusubukan kong ipikit ang mga mata ko pero pakiramdam ko talaga bumabaliktad ang sikmura ko sa totoo lang.

Bigla akong napatayo ng maramdaman ko na parang susuka ako anytime kaya dali dali akong pumasok ng banyo ay napaluhod sa harap ng bowl at duon ak o sumuka ng sumuka,pakiramdam ko biglang nanghina ang katawan ko at parang nawala lahat ng kinain ko kanina.

"Hm-"agad akong sumuka ulit at this time naramdaman ko na lang na may humahagod sa likod ko,pero hindi ko yun pinasin dahil patuloy parin ako sa pagsusuka.

"Laurice ano bang nangyayari sayo?"kilala ko ang boses na yun,hind ako pwedeng magkamali,ng pakiramdam ko na hindi na ako nasusuka ay lumabas na ako ng banyo at hinarap si Xian na may pag-aalala sa mukha.Marunong ka palang mag alala sakin.agad akong bumalik ng banyo ng sumuka na naman ako,hindi ko na maintindihan ang nangyayari sakin,pakiramdam ko nawala lahat ng lakas ko.

The Boss And I (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon