TBAI:16

2.1K 43 0
                                    

Alexa P.O.V

Ng umalis kami sa party dinala na lang kami ng mga paa namin sa isang park na medyo malayo sa P.S company.

Ang park na'to.

Lahat ng mga alaalang ayoko ng balikan ay kusang bumabalik sa tuwing nandito ako.

Minsan hiniling ko na sana isa na lang yun masamang panaginip at gumising ako sa katotohanan.

Kahit matagal na yun hindi ko maiwasang masaktan pa rin,siguro sa nakalipas na dalawang taon hindi na ako pumasok sa isang relasyon dahil sa takot na masaktan na naman ako,tama na siguro ang isang beses na masaktan ako,sa unang pagkakataon na nasaktan ako sobra akong nasaktan dahil dalawang tao na naging parte ng buhay ko ang nagparamdam sakin ng sakit na'to.

"Laurice" nabalik ako sa huwisyo ng may tumawag sakin.

Xian kasalanan mo toh ehh kung hindi mo ako dinala dito edi sana hindi ako nag eemo dito.

"Ito ang lugar na ayokong puntahan pero dito ako dinala ng mga paa ko"may problema ba sya sa lugar nato para ayawan nya.

Grabe ang lamig naman dito.

Nagulat ako ng tanggalin nya ang coat nya at isinuot sakin,pano sya hindi ba sya lalamigin.

" teka wag na baka lamigin ka"tatanggalin ko na sana yung coat ng pigilan nya ako at ngumiti lang sakin na nginitian ko naman din.

"So...anong naging kasalan ng park nato sayo at ayaw mo ang lugar nato?"

"Ano nga ba?"baliw ba sya tanong ko tanong nya din.

"Patawa ka rin eh noh,tanong ko tanong mo din" natatawang saad ko sa kanya na ikinaseryoso naman nya.

"Dahil dito ako unang nasaktan,panget man pakinggan sa lalaki pero yun ang totoo" pareho lang pala kami.

"Tungkol kina roxanne at jonathan ano sila sa buhay mo?"

"Jonathan is my cousin and roxanne is my ex-fiancée" nagulat ako ng sabihin nya ang kay roxanne ex fiancée nya,kaya ba ganun na lang ang trato nya kay roxanne,at kaya ba gusto nyang magpanggap dahil kay roxanne.

"Ikaw bakit ganun na lang ang galit mo kay roxanne?"

"Si roxanne,malaki ang kasalanan nya sakin pero kahit ganun pinatawad ko na sya,sila kahit alam ko na hindi nila pinagsisihan ang ginawa nila" gusto kong matawa sa sarili ko,pinatawad ko na hindi sila humihingi ng sorry,ganun na ba ako kabait"nung araw na icecelebrate namin ang first anniversary namin dito mismo sa park akala ko isusurprice nya ako pero nagkamali ako,narinig ko sila na nag-uusap at sa mga narinig ko dun ako nasaktan ng tondo at nawalan ng halaga ang buhay ko,bestfriend ko at boyfriend ko niloloko lang pala ako ng mahigit isang taon,ang tanga ko noh para hindi mapansin yun"

"Siguro kaya tayo pinagtagpo dahil pareho tayo ng dahilan kung bakit tayo nasaktan,nung gabing din nun nandun ako,nakakatawa noh"pareho kaming natawa sa sitwasyon na dapqt ay nasasaktan kami.

"Pinagtagpo?...bakit naniniwala kaba sa tadhana?"

"Hindi ko alam kung dapat ko pang paniwalaan ang ganong bagay"

"Sinong hindi marunong magmahal na kagaya mo ang maniniwala sa tadhana,nagpapatawa kaba?" Yun ang nakasulat sa sinagotan nya,hindi daw sya marunong magmahal.

The Boss And I (Completed)Where stories live. Discover now