"Waahhh!!! Badass nga!"

"Thank you guys!" sabi ko at nagbow saka bumaba ng stage. Naiwan naman yung tatlo sa taas

Lumapit ako kay nancy at sinalubong naman niya ako ng yakap

"Nakakainis ka!" sabi niya at pinalo ako sa braso

"Oh bakit?" natatawang tanong ko

Di siya sumagot at niyakap lang ako kaya niyakap ko siya pabalik

"Sorry sa inasal ko kanina, nagselos kasi ako nung mabasa ko yung convo niyo ni eunwoo, tapos niyaya mo pa siya lumabas" sabi ko at nagpout

Tinignan naman niya ako at kinurot ako sa pisngi "Aray!" daing ko

"Baliw! Magkaibigan lang kami nun. Bakit ikaw? Kayo ng girlfriend niya"

"Si dahyun? Magkaibigan lang kami" sabi ko

"Ayun naman pala eh, kami rin ni eunwoo magkaibigan lang. Tsaka alam mo namang ikaw lang ang mahal ko" napangiti naman ako sa sinabi niya

"I love you" sabi ko at hinalikan siya sa noo

"I love you too"

"Hi..." bigla namang nagsigawan yung crowd kaya napatingin kami kung sino yung nagsalita. Si hyebin

"Hindi ako yung vocalist ng banda pero marunong naman ako kumanta. Gusto ko kasing sabihin sakanya yung nararamdaman ko gamit ang kantang to...sana magustuhan mo to" sabi niya at tumingin kay jooe at ngumiti

(Playing: Inlove ako sayo By: Darren Espanto)

Napailing nalang ako habang nakangiti

Inlove na talaga ang pinsan ko

*Nancy's POV*

"Goodmorning" bati ko kay yeonwoo

"Goodmorning din mahal, how's your sleep?" tanong niya. Lumapit ako sakanya at humiga sa dibdib niya

"Good" sagot ko at yumakap sakanya

"That's good to hear"

Dito na natulog si yeonwoo kasi wala daw ako kasama. Ewan ko ba sa babaeng to, ayaw ng humiwalay sakin pagkatapos niya akong kantahan sa bar nila jooe

Naging tahimik na kaming dalawa habang nakatingin sa kawalan

"Mahal?" tawag ko

"Hmm?"

"Alam mo ba kung anong araw ngayon?" tanong ko

Naramdaman ko ang paggalaw niya bago sumagot

"April 13"

"And?" tumingin ako sakanya

"Anong and?" nakakunot noong tanong niya at tumingin sakin

"Hindi mo alam kung anong meron ngayon?" napaisip naman siya sa tanong ko

Nanlaki ang mata niya at napaawang ang bibig na tumingin siya sakin

"Sorry i forgot. Happy 7th monthsary, i love you" sabi niya

"Yun lang?"

"Huh?" umiling naman ako at ngumiti

"Happy 7th monthsary din, i love you too" sabi ko bumangon na para maghilamos

Pagtapos ko maghilamos at magtooth-brush ay lumabas agad ako ng cr, only to find yeonwoo na busy sa cellphone niya

"Mahal, pinapatawag kami ni jooe sa bar. Wala daw yung isang banda kasi tumugtog sila sa laguna at mamaya pang 11 pm sila makakabalik, kaya kami muna yung tutugtog ngayong araw" sabi niya habang nakatingin sa phone niya

Into YouWhere stories live. Discover now