*Yeonwoo's POV*
"Are you sure your okay?" nag-aalang tanong ko kay ahin
"Ate ilang beses mo ng tinatanong yan"
Napabuntong hininga nalang ako
"Sige na, pumasok ka na. Mamaya susunduin kita dito okay?" tumango naman siya at pumasok sa loob
Umalis na ako doon at pumasok na rin ako sa klase ko
Nag-aalala ako para kay ahin
May sakit kasi siya sa puso kaya ganun nalang ako kung mag-alala
Naputol ang pag-iisip ko ng biglang may humalik sakin
"Hi baby,may klase ka?" tanong ng babae sakin sabay kapit sa braso ko
Teka sino ba to?
Tinanggal ko ang pagkakakapit niya sakin
Para kasing tuko
"Get off me! Sino ka ba?" tanong ko
"I'm erica! You're girlfriend duh"
Oo nga pala
Siya yung nakilala ko kanina habang papunta ako sa cafeteria
"Oh i'm sorry i didn't recognize you baby" sabi ko at hinawakan ko ang likod niya at hinila palapit sakin saka siya hinalikan sa labi
Tumugon naman siya at nilagay ang mga kamay niya sa leeg ko
Nakahawak ang isa kong kamay sa pisngi niya habang tuloy parin kami sa ginagawa namin
"Tabi nga!" napahiwalay naman kaming dalawa ng biglang may dumaan sa pagitan namin at pinaghiwalay kami
"Ano ba?!" sigaw ko
"Paharang harang kasi kayo sa daan"
"Ang luwag luwag doon! Bakit kasi dito ka pa dumaan?!"
"Eh gusto ko dito eh,pake mo ba?! At tsaka hallway to! Hindi motel kaya wag kayong maglampungan ng maharot mong girlfriend dito!"
"Paepal ka talaga eh noh?! Wala ka bang magawa kaya pati buhay ng ibang tao pinapakealaman mo?!"
"Hoy-"
"Ms. Lee and Ms. Mcdonie in my office!" napatingin naman kaming dalawa sa sumigaw
Patay!
"NOW!"
***
Paglabas namin ni nancy ng office ng prefect of discipline ay sinalubong agad kami nila hyebin"Ano brad?" tanong ni hyebin
"Winarningan lang kami" sabi ko
"Akala ko maglilinis ka eh" natatawang sabi ni jane
Sinamaan ko siya ng tingin
Lakas mang-asar
"Tara na nga" sabi ko at umalis na doon
Sumunod naman sakin yung tatlo
Habang papunta kami sa klase namin ay biglang may bumangga sakin at natapunan ako ng juice na hawak niya
"Shit!" bulong ko
Nanlaki naman ang mata ng kaharap ko ng makita ako
"Y-y-yeonwoo! I-i'm s-s..sorry! H-hindi ko talaga s-sinasadya! Sorry!" sabi ng kaharap ko
Sinamaan ko siya ng tingin kaya napaatras siya
Nakita ko naman ang cellphone niya sa sahig kaya pinulot ko yun