Chapter 62

334 20 5
                                    

*Yeonwoo's POV*

"WHAT?!" sabay sabay na tanong nila

"Ang sabi ko nililigawan ko si ulit si nancy" sabi ko

"Teka,teka nililigawan mo ulit siya? Eh paano si seolhyun?" tanong ni jane

"Ayun na nga...ang totoo kasi niyan, hindi ko talaga girlfriend si seolhyun"

"ANO?!"

Ano bayan! Kanina what, ngayon ano. Ano susunod? Nani?

"Ieexplain ko mamaya. For now, kumain muna tayo" sabi ko

***

"Mas gag* ka pa pala sakin" sabi ni sana pagtapos ko ikwento ang lahat

Nandito kami sa sala ngayon, nakabilog

"Oo na! Gag* na kung gag*, kagabi ko pa yan naririnig eh" sabi ko at tumingin kay nancy pero tinaasan niya lang ako ng kilay

"So kayo pala yung nag-aaway kagabi sa labas" sabi nanaman ni sana

"Paano mo nasabi?" tanong ni nayun sakanya

"Kagabi kasi may naririnig akong sumisigaw ng 'Gag* ka! Gag* ka talaga!'" sabi ni sana at ginaya pa niya yung pagsigaw ni nancy

"Eh diba sabi ni yeonwoo, kagabi ko pa naririnig yan. Edi sila yung nagaaway kagabi hahahaha" dagdag niya

Napaisip naman ang iba sa sinabi ni sana

"At kaya pala may mga sugat sugat ka kasi binugbog ka ni nancy nung sinabi ko sakanya na yun nga...fake lang yung relationship natin" sabat ni seolhyun

"Oo nga eh, bait mo. Sinabi mo agad sakanya, ang galing" sarcastic na sabi ko at pumalakpak

Inirapan naman niya ako at ganun din at ginawa ko sakanya

"Para kayong aso't pusa" iling na sabi ni taeha

"Ay jusko! Kung alam niyo lang kapag kami lang dalawa ni yeonwoo, kawawa ako diyan! Lagi akong binubully" sumbong ni seolhyun

"Tss, sino kaya satin ang sadista?" 

"Mapang-asar ka kasi"

"Pikon ka lan-aray!" hinimas ko naman ang braso ko ng kurutin niya ito

"Ganyan ba kayo lagi?" natatawang tanong ni jooe

Di nalang kami sumagot

"So lahat pala ng sweet gestures niyo ay hindi totoo" sabi ni ahin

"And to answer your question. Ako yung katext ni nancy kagabi" sabi ko na ikinagulat nila

"Ahh!!!" napatingin naman kami kay hyebin ng sumigaw ito

"Alam ko na kung bakit ka tumili kagabi" masayang sabi niya at tinuro ako

"Bakit?" tanong ni nayun

"Sabi mo si nancy ang katext mo kagabi diba?" tumango ako

"Dahil sa kilig!" 

"Huh?" pinagsasabi neto?

"Kaya ka tumili kagabi kasi kinilig ka noh?" tanong niya at tumawa

Natahimik naman ako at tumingin kay nancy na tinatawanan ako

"Shet hahahaha grabe ka naman kiligin yeonwoo" sabi ni seolhyun habang tumatawa

Nagpout nalang ako. Pinagtulungan na ako ng mga to

***

"Mind to tell me your reason?" tanong ko kay nancy

Into YouWhere stories live. Discover now