Chapter 11

1.4K 93 0
                                    

[Ice cream]🌴

Janine PoV:

Kahapon ng sinundo ko ang aking kapatid alam kung masaya ang kapatid ko pero ang bata niya pa para sa ganyan 17years old palang ang kapatid kaya naman pinaiiwas ko siya sa mga lalaki dahil masakit masaktan.

Hindi ko muna siya tinanong
Ngayon ko sana siya balak tanongin ehhh.Maya Maya bumaba na si Shynine kaya naman pinaupo ko kaagad para makakain na siya.

"Shynine bakit pala mukhang masaya ka kahapon huh
maotoridad kong sabiSiyempre kunwari galit ako para naman matakot tung kapatid ko.

"Ahh yun po ba ate wala yun" nakangiti niyang sabi.

"Siguraduhin mo lang shynine na hindi ka inlove pag nalaman ko lang na may boyfriend ka"Sabi ko.

"Opo ate janine" nakangiting sabi Niya.

Wala nakong nagawa dahil alam ko namang nagsasabi ni shynine ng totoo. Di naman ata siyaa nagsisinungaling ehhh.

Kaya hinatid ko na siya papuntang school.

Shynine PoV:

Haysss ano na naman kaya ang
nasaisip ng ate ko alam ko may binabalak na naman yun naputol ang pagiisip ko ng bigla akong akbayan ng baliw kong kaibigan walang iba kundi si shella.

Nagpatangay nalang ako sa lakad ng baliw kong kaibigan pumasok agad kami sa aming room nang biglang nalang nagtama ang aming mga mata ni Jaycee at sabay kindat sa akin bigla nalang bumilis ang aking puso ewan ko ba di ko maintindihan tong nararamdaman ko sa tuwing magkasama kami,sa tuwing kinakausap niya ako at sa tuwing tititigan niya piling ko natutunaw ako sa pagtitig niya siguro gusto ko siya pero kailangan ko itong pigilan hanggat maaga pa dahil alam kong hindi ako lang din ang mahihirapan hayss lintik na puso to.

Mabilis kong iniwas ang aking mga mata para naman hindi na sumabog ang aking puso sa sobrang bilis ng pagtibok.Maya maya nagsimula na ang klase sa T.LE.

By the way Cookery ang pinili ko kasi naman si shella pinilit ko at yun namang si yabang Ewan ko dun bat cookery pinili nun pero para sa akin mas maganda ang cookery,mas ma eenjoy mo talaga lahat at may matututunan ka sa pagluluto.

Nagsisimula na ang klase sa TLE,pero lutang parin ako kaya naman.

Kanina pa may tumatawag sa pangalan ko pero di ko pinapansin dahil mga kaklase ko lang naman ehhh.Maya Maya biglang sumigaw si Proff.

"Ms.Falcunit..kanina pa kita tinatawag" galit niyang sabi,kaya naman agad akong tumayo at humingi ng tawad.

"Ok Ms.Falcunit dahil parang lutang ka sa klase ko sagutin mo ang itatanong ko sa iyo at kapag hindi mo nasagutan tatayo ka ng isang oras sa klase, Nagkakainitindihan ba tayo Ms.Falcunit" Tumango nalang ako bilang pagpayag.

Ms.Mataray meets Mr.MasungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon