Chapter 10

1.5K 102 1
                                    

[Long test]🌴

Shynine PoV:

Nandito kami ngayon ni shella sa library umaga kasi ako ngayon nakagising at pumasok kaya naman dito muna kami tumambay wala pa kasi ang aming guro at tungkol naman doon sa maagang pagising ko ewan ko ba bakit parang ang aga kung magising kanina at parang ang saya ko haysss ano ba ang nangyayari sa akin.

Habang nagbabasa kami ni shella, Maya maya biglang lumakas ang tilian sa labas kaya naman napatingin ako sa pintuan ng library at nagtama ang aking mga mata at mata ni Jaycee kaya napayuko ako dahil sariwa pa sa aking isipan ang lahat ng nangyari kahapon itinuon nalang niya ang kanyang pansin sa kanyang binabasa ngunit biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso ng umupo sa kanyang tabi si Jaycee tiningnan niya ito at sa ikalawang pagkakataon nagtama ang kanilang mata habang nagtitigan sila biglang tumigil ang paghinto ng oras natigil lang ang kanilang pagtitigan ng biglang nagsalita si Kurt

"Ehem guys magtititigan nalang ba tayo rito" Nakangiti niyang sabi.

Gwapo din to si Kurt kaso nga lang playboy ay Mali pala silang lahat playboy lalo na si Jaycee halata naman sa kaniyang mukha na isa siyang playboy.

Pero bagay naman sa kanya ang pagiging playboy lalo nat Gwapo,Matangkad,Maangas minsan ang ayaw ko lang naman sa ugali niya ay ang pagiging mayabang niya.

Sa sobrang hiya ko napayuko nalang ako at tinuon nalang ang aking pansin sa libro pero bigla nalang nagsalita si Andrei

"Hey Shynine bakit di mo ako pinapansin galit ka ba sa akin"nakasimangot niyang sabi.

Natawa naman ako sa kaniyang hitsura ngayon ko lang nakita na ganyan ang kanyang itsura hay ang cute niya kaya naman kinurot ko ang kanyang pisngi nagsalita ako ng

"Sorry Drei busy kasi ako ngayon kaya di kita masyado napansin at Hindi ba kayo magrereview mag lolong test mamaya si proff DIba?? Imbis na sumeryuso sila tumawa lang sila at sabay silang nagsabi ng

" Easy lang yan kay Jaycee di ba bro.Tumawa lang naman si Jaycee sabay sabing

"Wag kayong umasa na pakukupyahin ko kayo matuto kayong magreview" napasimangot naman ang tatlo.

Ms.Mataray meets Mr.MasungitWhere stories live. Discover now