ᴀᴄᴛɪᴠᴇ ɴᴏᴡ
Kasalukuyan ako ngayong naka online at pa stalk stalk kay crush.
Hindi sya snob. Hindi sya katulad ng iba kong crush na akala mo famous kung maka seen. Nag cha chat kami hindi naman always.
Mino-motivate nya ako kapag nahihirapan na ako sa mga projects na patong patong na. Kapag gusto ko ng gumive up. He will always say that "You can do it. "'Wag kang susuko."
He is my classmate and his name is Rafael. Siya ang unang nag chachat sakin kaya minsan kapag naka online sya tinititigan ko ang pangalan nyang naka"active now". Nag babakasakaling ichachat nya ako. Ayaw ko namang maunang mag chat kasi baka sabihin nya papansin ako. Brrr ayaw ko nun.
Nag babackread ako sa mga chat nya sakin na talaga namang mafa fall ka sa mga words of wisdom nya para sa akin.
Habang nag babackread ako nakita ko syang nag ttyping. Oh my Gosh.
▪Hi Lia ! Gawa mo?
▫Nag iifb?
▪Haha bakit naman patanong?
▫Nag iifb!!
▪Galit ka ba?
▫Hindi naman. Bakit?
▪Haha wala. Kulit mo talaga.
▫Haha hindi ah.
▪Matulog ka na baka bukas para ka na namang zombie dyan.
(Excuse me. Magdamag ka kasing online noh. Nagpupuyat ako kaka antay ng chat mo.)
▫Ahh hehe sige tulog na ako. See you tomorrow
▪Sige goodnight
▫Night
"Hoy Lia gumising ka na. Naku kang bata ka talaga. Anong akala mo college ka na huh? Alas otso na malelate ka na. Bumangon ka na nga dyan." Hala patay. Dali dali akong bumangon ng marinig kong alas otso na. Tiningnan ko ang alarm clock ko. Wtf. Ehh 6:30 palang naman ehh. Mama namannnn. Napaka advance talaga mag isip minsan ni mama ehh noh.
No choice na ako at bumangon na lang. Pagkatapos kong gawin ang morning ritual ko ay ready na ako pumasok sa school. Naeexcite na naman ako dahil makikita ko na naman sya.
"Hi Lia" Nakangiting bati sa akin ni Rafael
"H-hello Rafael" Sya agad nakita ko bwahahaha.
Pumasok na kami sa room at mayamaya ay dumating narin si Mam.
Salita ng salita si Mam habang ako nakatitig lang kay crush. Mayamaya nag ring ang phone ni Mam.
"Class dyan muna kayo huh? 'Wag kayong lalabas sasagutin ko lang ito"
"Yes mam" sabay sabay naming wika.
Makapag online nga muna. Tiningnan ko kung sinong online at nakita ko sa pinaka unahan si Rafael. Sinulyapan ko siya at nakitang nakayuko sya habang nag si-cellphone.
"Sino kayang ka chat nito?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa active now nya.
"Baka yung mahal nya haha" pasigaw na sabi ni Lacey. Naku naman iting babaitang ito talaga. Ang hina na nga ng sinabi ko narinig pa rin nito? Grabe ibang klase talaga woohhh.
"Ano ba naman Lacey ganyan na ba kalakas ang pandinig mo?" Sabi ko sa harapan nya na may kasamang sigaw pa.
"Para ka kasing baliw dyan na nakatulala sa cellphone mo ehh"
"May iniisip lang ako!"
"Sino bang iniisip mo?"
"Anong sino? Kapag may iniisip ba kailangan sino agad? 'Di ba pwedeng ano muna?"
"Oo na, oo na bahala ka nga dyan ang init agad ng ulo ehh pingutin kita sa ilong hmmp" sabi nya habang nag martsa papunta sa isa pa naming kaibigan at nakipag chikahan.
Doon sa may katabi ni Rafael tsk. Silip rin sya ng silip sa ginagawa ni Rafael at parang tangang kilig na kilig na hindi mo maintindihan.
"Ehhhh ayieee Lia haba ng hair. Kamukha mo na siguro si Rapunzel yieee" sabi nito habang sinusundot sundot ang tagiliran ko.
"Ano ba nangyayari sayo huh? Bakit ba?"
"Kasi ganito yun pumunta ako dun sa katabi ni Sarah diba katabi nya si Rafael? Titingnan ko sana kung sino ang ka chat nya para hindi ka na magalit pero sis ahhhh kakakilig...."
"Ano ba? Umayos ka nga. Sino bang ka chat nya?"
"Wala syang ka chat sis. Ni baback read nya yung message nyo sa isa't isa ehh. Ikaw ahh. Haba ng hair mo."
"A-anong sabi mo? B-binabasa nya ang messages ko sa kanya? Backread?"
"Oo sis at ngiting ngiti ang mokong tingnan mo oh"
Tiningnan ko si Rafael at nakita ko ngang pangiti ngiti ito. Oh my gosh is this true?
Halos one year na rin kasi kami nag chachat at puro mga kalokohan lang ang mga topic namin ni Rafael.
Nilapitan ko siya at totoo nga. Hindi nya pa sana ako napapansin na nasa harapan nya na ako kaya tumikhim na lang ako. Nakita kong parang nagulat pa sya (ang cute nya namang magulat haha) at dali daling tinago ang cellphone nya.
"O-oh Lia may kailangan ka ba?
"Na-nakita ko na wag kang mag maang maangan pa." Lakas loob kong sabi sa kanya
"A-ang alin?" Maang maangan pa?
"Nakita ka raw ni Lacey na nag babackread sa mga messages natin sa isa't isa at kilig na kilig ka raw. May gusto ka ba sakin?" Tanong ko sa kanya habang pinipigilan ang kilig na nararamdaman ko. Nakita kong naningkit ang mga mata nya at nilingon si Lacey ng parang nanghahamon. Binalik nya ang tingin nya sa akin at tumikhim.
"Well nahuli mo naman ako bakit pa ako tatanggi diba? Matagal na kitang gusto at masaya akong nag chachat tayo"
"Palagi ka ngang online ehh. Baka hindi lang ako ang ka chat mo?"
"Kasi naka online ka rin at tinitignan ko palagi kung naka active ka. Hindi mo lang alam kung gaano ako nag iipon ng lakas ng loob para ichat ka. Minsan nga hinihintay lang kitang mag offline bago ako mag offline rin ehh"
"So sa madaling sabi nag hihintayan tayo sa kung sino ang mauuna at makakatulog na lang kasi walang nag lakas na loob?"
"I-inaantay mo akong ichat ka?"
"Oo kasi nahulog na ako sayo. Sa mga words of wisdom mo. Sa pag aakto na parang boyfriend ko. Akala ko kasi hindi lang ako ang ka chat mo kaya ikaw ang hinihintay kong mag message sa akin para hindi ako nakaka istorbo sayo."
"Hindi yun totoo ikaw lang. Kahit maraming nag chachat sa akin hindi ko sila pinapansin kasi yung nessage mo ang hinihintay ko."
"Ano ba naman kayong dalawa ang tagal nyo naman. Baka mamaya nandyan na si Mam ehh. Sagutin mo na agad Lia pakipot ka pa" sigaw ni Lacey. Pero hindi ako magagalit kay Lacey dahil sa kanya nalaman kong gusto rin pala ako ni Rafael kaya thankful ako sa kanya.
"Oo nga" sabay na sigaw ng mga kaklase ko. Hindi ko namamalayang lahat na pala sila nakatingin sa akin.
"Hindi liligawan ko muna sya. Hindi naman ako nagmamadali Lia eh. I can wait if you are not yet ready to be in a relationship. I can start with courtship until you are ready."
Kinilig naman si ako haha papakipot pa ba ako? Syempre mag papaligaw muna ako noh. Tama naman yung sinabi nya.
"Papayag ako Rafael"
"Salamat Lia." Sabi nya at niyakap ako.
"Ehemm. Nawala lang ako saglit may nag yayakapan na dito? Balik na sa upuan nyo. Bilis!" Hindi namin namalayan na nandyan na pala si Mam kaya napabitaw kami sa isa't - isa ni Rafael at mabilis akong nag lakad papunta sa upuan.
Nagsimula na si Mam mag lesson at tiningnan ko si Rafael na parang tangang naka ngiti sa akin. Kung hindi lang ito gwapo baka iisipin kong adik to. Kinindatan nya ako bago bumalik sa pakikinig kay Mam.
Napangiti na lamang ako. Tiningnan ko naman si Lacey at nag finger heart pa. I mouthed thank you to her.
- Niña Writes
