1:00

Lalalalabssss<3

Baka naman gusto mong magtext! Lintek ka sakin! Di kita papansinin,makita mo!

1:20

From: Unknown

Where the hell are you?

1:25

Nang mabasa ko ang pinaka last message ay nacurious tuloy ako. Hindi ko kase kilala eh baka mamaya kung sino lang yun makain pa load. Whatever.

Nireplyan ko nalang si Lala at baka magalit at hindi na talaga ako pansinin nun.

To: Lalalalabssss<3

Sorry na at nag shopping kase ako :3

Sent 1:30

At maya-maya pa ay nakatanggap agad ako ng reply.

(1) message arrived

Lalalalabssss<3

Ay nag shopping ang broken! Ganern!

1:31

Natawa ako sa reply nya.

To: Lalalalabssss<3

Grabe ka naman sa broken! Hindi naman ako broken eh! T_T

1:32

From: Lalalalabssss<3

Oa mo sa emoji na yan,di ka cute :<

1:33

To:Lalalalabssss<3

Ingget ka lang blehhhh :P

1:34

From: Lalalalabssss<3

Jusko naman. Kung maiingget nalang ako bakit sa emoji pa! Isip din pren!

1:34

To:Lalalalabssss<3

Sha!! Kain muna ako! Later na tayo mag talk! Bye! Lablatsssss<3:3

1:35

Nang makapagpaalam na ako kay Lala ay saktong dumating na yung order kong pagkain.

"Yepey! Chibog na dis!" hindi ko na napigilan ang excitement sa nasa harapan ko kaya mabilis ko na itong nilantakan.

...

"Ahhhhhh!  Busog na busog talaga ako sa pagkain dito!" masaya kong ani ng makatapos akong kumain.

Napatingin ako sa labas ng restaurant at kamalas-malasan ay umuulan pa ng malakas. Nako,pano na ako uuwi nyan!

I checked my phone and its already 4:30 pm. Ang tagal kong kumain ah! Para na kase akong nagmukbang sa kinain ko. Biro mo yung isang platong yun iba't-iba ang ulam.

Malakas talaga ang ulan at baka mabasa pa yung mga pinamili ko kaya I will stay here para man lang patilain ang ulan.

I'll enjoy my stay here since first time ko din 'to to hang out with myself alone,and I'm really glad na kahit ngayong araw napasaya ko and sarili ko.

My phone vibrated so I took a glance on my phone to see who messages me.

It was Lala again.

From: Lalalalabssss<3

Ay tanga! Woi asan ka na?

4:34

To:Lalalalabssss<3

Grabe makatanga agad! :(

4:35

From:Lalalalabssss<3

Ay natamaan! Ano ka ba frenny! Sanayan lang yan! Di ka pa ba sanay? -_-"

4:36

To:Lalalalabssss<3

Whatever. Nasa restaurant pa rin ako. Ang lakas kase ng ulan eh. Di ako makaalis. :(

4:37

From:Lalalalabssss<3

Kasalanan ko pa? Dejoke.

4:38

To:Lalalalabssss<3

Sabi ko ba? Hehe,joke! :D

4:39

From:Lalalalabssss<3

Ang jejemon mo sa part na yan!

4:40

To:Lalalalabssss<3

-_-!

4:41

From:Lalalalabssss<3

Call now!

4:42

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tinawagan si Lala.

"Hello?" sagot ko.

"Ano kwento? Asan ang asawa mo? Bakit nag-gagala ka ng ikaw lang mag-isa? Bakit?" sunod-sunod nyang tanong at base sa tono nya ay kinikilatis nya ako.

"Nasa bahay siguro si Grey ngayon at nakauwi na. Ako lang mag isa kase nga bonding with myself diba? Sabi mo sakin, sarili ko naman, so eto na heheh!" sagot ko rito.

Narinig kong bumuntong-hininga sya sa kabilang linya kaya naman nagtaka agad ako.

"As far as I know malungkot ka ngayon. Nako,ilang beses ko na ba sinabing kabisado na kita? For almost five years nating magbestfriend imposibleng hindi pa kita kilala. So bakit malungkot ka?" mahinhin nyang tanong sa kabilang linya.

Ako naman tuloy ang napabuntong-hininga. Kilala nya talaga ako kahit saang banda. Hys!

"Wala.. Naisip ko lang na baka kapag wala ako sa bahay ngayon baka maging panatag si Grey dahil walang Fiona na mag iingay sa bahay. Kaya eto umalis nalang ako." malungkot kong usal habang nakatitig sa labas ng restaurant dahil kasabay ng pagbugso ng ulan ay ang pagbugso ng sakit ng nararamdaman ko basta iisipin ko ang nakangiting imahe ni Grey.

"Ang drama mo teh! Wala syang magagawa dahil iisa at iisa din naman kayo ng bahay! Tsaka asawa ka nya! Ano ka ba!" nagbunganga nanaman sya!

"Ewan ko ba, eh diba sabi ko sa'yo yan yung kinaiinisan nya. Natali sya sakin ng hindi nya gusto at wala man lang syang magawa-gawa tungkol dun."  malungkot kong ani.

"Edi wow kamo!" tignan mo nga 'tong isang 'to!

"Ewan ko sayo,Lala." napairap nalang ako sa kawalan dahil sa inasal ni Lala.

"Sha! Uwi na ako. Tawagan nalang kita later! Mwuah! Lablats<3!" pagpapaalam ko kay Lala at hindi na nagpaligoy-ligoy pa at pinatay ko na ang tawag.

.

My Sweetest Revenge Where stories live. Discover now