The Date. (Part 1)

54 3 2
                                    

Chapter 4: The Date. (Part 1)

Akala ko taga-Meralco siya. He gave me that electrifying spark!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.


Thursday.

Uggggh. Ang aga ko namang natulog kagabi ah? Bakit sobrang sakit ng ulo ko? >__<

Kinuha ko yung phone ko beside me to check kung anong oras na. O___o What? Adam called me last night? Bakit kaya? Hindi ako naka-unlicall kasi ang mahal ng load ko sa globe kaya unli text for 7 days lang ako. -____- Dapat pala naka-plan na lang ako para kahit papano, tipid. Kasi, I calculated it all. Lumalabas na almost P500 ang binabayaran ko sa tindahan kada month. -________- 

Ako: [Oyy. Bakit ka tumawag?]

Hindi siya nagrereply. Hayyyyy. Baka napagtripan lang ako. Ehh, bakit nga ba iniisip ko pa yun? Mabuti pa'y bumangon na ako't nagugutom na ang mga alaga kong pikachu sa tiyan. HAHAHAHA.

"Anak, anong oras ba pasok mo? Hindi ka pa gumagayak?" tanong ni Mama.

"2-4 pa klase ko. Anong ulam, Ma? May ketchup tayo diyan?" avid fan kasi ako ng tomato ketchup! Hahahahaha. Hindi kumpleto ang araw ko nang hindi nadadampian ng ketchup ang labi ko. :(

"Meron diyan sa may cabinet. Kamusta ka naman?" sabi ni Mama habang nagsasandok ng kanin.

Medyo muntik pa akong matapilok ng nagtanong ng ganun si Mama. Well, kasi hindi kami close. I don't open up with her. Papa's girl kasi ako. Mas gusto kong dumadaldal kay Papa kesa kay Mama. I dunno. Weird ko nga daw eh. Yung iba, hiyang-hiya sa Papa nila magkwento samantalang ako, go lang ng go.

"Anong kamusta? Eto Ma, nagugutom na ko. Ano nga ulam natin?" naiirita nako. Ganito kasi ako kapag gutom sabayan pa nang bagong gising. -_____-

"Kamusta ka na sa school? Lilipat ka pa ba ng Main Campus?" malumanay niyang tanong habang inaabot yung chicken.

Isang malaking issue kasi ang pag-aaral ko sa campus which I am studying at. Kasi, bukod sa malayo na sa amin, pasakit pa ang ibang professors na paimportante. Which my Mama believes na nakakaapekto sa quality of education. WOAH. Saan nanggaling yun? HAHAHA!

"Okay naman ako sa campus na 'to Ma eh. Masaya na dun." sabi ko.

Usually, hindi naman ako sinasabayan ni Mama kumain kapag kaming dalawa na lang ang naiiwan sa bahay. Wala yung dalawang kapatid ko, yung pinsan kong schoolmate ko din na sa amin nakatira at si Papa na nagtatrabaho. Pero this day, iba si Mama. Kumuha siya ng pinggan niya at sinabayan ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

College ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon